Alam ko nasasaktan ka ng totoo....
Nagpapasalamat din ako na naging parte ako ng iyong desisyon sa pamamagitan ng paghingi sa akin ng payo . Pilit ko hinihimay ang mga sitwasyon at sinabi ang mga salita na sa palagay ko ay kailangan mo sa iyong pag-iisip.
-----------------
"Hindi magandang sinasaktan ka nya ng paulit-ulit pero lalong hindi masmaganda kung lagi mo syang pinagbibigyan dahil mahal mo pa sya"
-----------------
"Huwag mong hayaan na sirain nya ulit ang mga bagay na binuo mo sa sarili mo noong nawala sya. Hindi dahil may pinto ka pa para sa kanya eh papapasukin mo ulit sya. "
-----------------
"Ayus lang maging matigas ang ulo sa pagmamahal wag lang maging tanga, gamitin mo ng maayus hindi yung alam mo ng masakit eh inuuntog mo parin sa pader "
-----------------
Ang mga salitang binitawan ko habang kausap ka....
Salamat sa pakikinig sa aking mga pananaw......
"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"
Miyerkules, Disyembre 12, 2012
Lunes, Nobyembre 12, 2012
"Bakit Ngayon Lang Ang Pasko?"
Mga lumang larawan, kung saan ang pagkuha sa mga piraso ng kahapon ay sadyang nakakapagbigay ng mga buntong hininga. Ang kwento ng bawat ngiti sa nakaraan ay hindi matutumbasan ng anumang kayamanan. Habang pinagmamasdan ko ang mga litrato sa aking mga kamay ay unti-unti ko nauunawaan na kung gaano ako ka swerte sa mga biyaya ng kahapon sa akin. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako dinadala ng aking pakiramdam sa mga panahon at oras na hindi ko na kayang balikan pa. Yung mga bagay na hindi na kayang ulitin pa at yung mga pagkakataon na matagal ng lumipas ngunit ang mga karunungan nito ay akin parin daladala.
"Kung saan inukit sa aking pagkatao ang mga karanasan na hindi ko na mababago at ang tanging magagawa ko nalang ay mabuhay kasama ang mga ito."
Habang hawak ang mga litrato ng nakaraan unti-unting bumabalik sa akin ang mga kaganapan na hindi na kayang ibigay ng bukas. Ang mga masasayang sandali na kasama ko pa ang mga taong gumawa ng mga ngiti sa mga mumunting papel na hawak ko ngayon, ang mga tawanan, ang mga halakhakan at ang mga kulitan na kailanman ay hindi na mababago ng ala-ala.
Wala na ako sa nakaraan at dahil nga sa mga oras na dumaraan habang pinagmamasdan ko ang ala-ala ng kahapon pilit ko pinagtitibay ang mga paniniwalang hindi ko na kailangan pang balikan ang mga tapos na bagkus aralin nalang ang mga natutunan at magpatuloy sa mga pangarap na inaasam ko noon nung kasama ko pa sila. Habang unti-unting kumukupas ang mga kulay ng papel ay unti-unti ko rin nauunawaan kung gaano na kalayo ang mga pagitan ng bawat isa.
Kung minsan hindi ko na talaga alam kapag naiisip ko na paano nga ba magpapatuloy sa isang mundong may takip na pangungulila sa minamahal. Kung minsan din ay iniisip ko bakit wala na sila sa panahon na sabay-sabay naming hinintay, kung saan ang dapat na masayang magkakasama ay may bahid ng agam-agam at pagkasabik sa kanila. Kung bakit kasi ngayon lang darating ang araw na ito, ang araw kung saan ang pagdiriwang ay pang buong pamilya. Nakaupo na lamang ako sa tabi ng bintana habang naghuhukay ng mga gunita na maaari ko pang balikan sa nakaraan gamit ang aking mga kupas na larawan. Binabalikan sa pamamagitan ng pag-iisip habang nakapikit at pakiramdaman ang bawat sandali noong yakap-yakap ko pa sila.
Habang tulala pa sa aking pananaginip ng gising ay may mga tanong na sumasagi sa aking isipan. Kung kailan buo na muli sana ang aking mga pangarap kasama sila ay ngayon pa sila nawala. Halos makailang oras na pagiisip at daanan na ng hangin ang aking mga balat at lamigin sa gitna ng kalungkutan. Ang bigat ng mga buntong hininga ay masikip parin sa dibdib hanggang ngayon habang tinatanong ang.....
"Bakit kasi ngayon pa, kung kailan wala na sila ..
.
.
Bakit kasi ngayon lang, bakit ngayon lang ang pasko?"

Linggo, Nobyembre 4, 2012
"Kung Saan Naging Buo Muli Ako"
"Gabi ng walang hanggang pagsusumamo, ang araw ay sisikat sa hindi mo matanaw na liwanag "
Ang mga gabi na sinisisi ko ang panahon sa pagdaramot nito sa akin ng masayang bukas ay sadyang nakakapanghina ng pagkatao. Ang mga oras na nasayang sa aking paglayo sa mga minamahal ay ang tanging dahilan upang ako ay sisihin sa lahat at dapat magpasan ng mga kasalanan.
Kapag naaalala ko ang mga taong naging parte ng aking kahapon, kung saan ang mga kasiyahan at kalungkutan ay naging laman ng aking ala-ala sa loob ng ilang oras na pagdarasal. Pilit kong nilalagyan ng harang ang salamin ng buhay kung saan ang totoo ay hindi ko muna gustong paniwalaan.
-Kaibigan. . . .
"Sa karamihan mabibilang ko ang mga iilan sa kanilang pagsasalita at sa kanilang pagtatanong."
Kapiraso ng isang mundo ng bawat isa sa atin ang mga itinuturing din nating mga kapatid. Kung saan ang pagbibigay kahulugan sa isang payak na samahan ay hindi nakikita sa kung kailan nagsimula at kung gaano na ba ito katagal. Noong mga araw na nawawala ako sa aking paglalakbay at bahiran ng kaulapan ang aking mga daraanan may mga tao sa buhay ko na hindi ko inaasahang darating at iaabot ang kanilang mga kamay upang ako ay alalayan. Yung mga bagay na hinahanap ko sa isang tao, kung saan ang paghahanap ng katahimikan at kapayapaan sa isang akbay lang ay dahilan upang ang pagpapasalamat ay akin paring ibinibigay sa iilang mapagmahal.
Ang mga dahilan upang maging malakas ka, mga kadahilanan upang mabigkas mo ang mga pasasalamat sa mabubuting tao na tulad nila at ang ibig sabihin sayo ng buhay ay kanilang binigyan ng bagong kahulugan at halaga. Wala akong hiniling na maging mabuti sila sa akin ngunit sa kadahilanang naging mabuti din ako sa kanila ay ganun din ang ipinadama nila sa mundo kong minsan pang binigyan ng lungkot ng mga pagsubok at agam-agam sa mga di inaasahang kaganapan sa aking buhay.
Pagbibigay, hindi ko noon alam ang totoong ibig sabihin ng salitang pagbibigay. Ngayon ko nalang napagtanto na ang bukas palad ay nagiging totoo lang kapag nangagaling sa puso at paniniwala na makakabangon ka ulit kasama sila. Silang mga naniniwala sa iyong kapasidad, silang umaasa sa iyong mga ngiti at kasiyahan at silang mga naging totoo sa tabi mo hanggang sa iyong pagkakalugmok at mawalan ng pag-asa.
Sila ang naging dahilaan kung saan naging buo muli ako sa pag-iisip, paniniwala at sa pagkatao........
Salamat .....
Biyernes, Oktubre 19, 2012
"Natatandaan Mo Pa Ba?"
Natatandaan mo pa ba ang dagat? Ang paglalakad natin sa dalampasigan, ang paghahanap natin ng kapayapaan at kasiyahan. Nakakatuwang isipin na ilan taon narin pala ang lumipas mula nung tinitingnan ko ang iyong mga paa sa mga unang pagyabag nito sa malamig at basang lupa ng dagat. Alam ko natatakot ka sa mga paghakbang ngunit ang iyong kagalakan ay akin din nararamdaman. Magkasama tayo sa pakikinig ng mga ibon na umaayon sa ating pamamasyal. Ang bawat hampas ng alon sa ating mga binti ay nakakasabik din pala habang magkahawak ang ating mga kamay.
Binuhat kita noon dahil napagod ka sa iyong paglalakad, hinagkan mo ako at hinagkan din kita. Habang palubog ang araw sa ating harapan sabay natin tinatanaw ang gintong tubig sa paglubog ng araw na naghihintay ng ating buntong hininga at pasasalamat sa magdamag.
Natatandaan mo pa ba ang araw na minsan pa'y umupo ako sa iyong tabi at sinamahan kita sa iyong pagbibilang ng mga dumaraan na sasakyan. Hanggang abutin tayo ng gutom at subukang maglakad-lakad at bumili ng makakain. Ang iyong mga ngiti sa mga simpleng bagay ay kahulugan ng aking buong araw. Kung saan ang aking itinuturing na tapat na kaibigan ay ikaw.
Natatandaan mo pa ba ang mga kulitan natin sa sala? Ang iyong mga tawa ay akin pang naaalala. Ang paborito mong mga tugtugin ay atin pang sinasayaw at halos pawisan na tayo at abutin na ng gutom sa kakagalaw. Mga katanghalian na lagi natin hinihintay, kung hindi man sa pagsasayaw ay idadaan natin sa pag-awit habang nakapikit ang ating mga mata. Ang magdamag natin noon ay puno ng pag-asa, puno ng pangarap at mga baon na masasayang ala-ala hanggang sa ating pagtulog sa gabi. Naaalala ko pa ang mga tanong mo na "ano gawa mo?" tuwing nakikita mo ako na nagbabasa ng aking mga panulat. Ang mga ngiti na sayo ko lang napagmamasdan at ang iyong lambing na hindi ko kailanman mahindian.
Ang mga araw na dumaraan ay pilit ko ngayon pinagtitibay. Ang kalungkutan ng bawat isa ay akin parin ramdam. Kung minsan naitatanong ko na kung saan ba ako nagkamali? Bakit ako at bakit ikaw? Pakiramdam ko ay panahon ang nag-iipon para sa akin ng kalungkutan. Ang mga sukli sa bawat kasiyahan ay unti-unti nitong iniimpok sa aking kahinaan. Binuwag ang aking bit-bit na kalakasan. Pagbasag sa aking maamong katahimikan. Salitang di ko tanggap, katotohanan na di ko akalaing iguguhit ng kapalaran. Hindi ko na alam kung paano pa sasabihin ngunit kailangan ko harapin ang bukas sa buhay ko na wala ka na sa piling ko.
Ako, naging tapat na kaibigan, naging ama, naging tagapagtangol mo sa alam kong tama. Pagmamahal , pangungulila, kalungkutan, pag-iisa at pamamaalam.
Sino na ang sasabay sa akin sa pag-awit sa umaga?
Sino na ang sasabay sa aking bibong pagsasayaw?
At sino na ang mangungulit sa akin tuwing nagbabasa?....

Mami-mis ka namin dahil kailanman ay walang makapapalit sa mga iniwan mong puwang sa aming mga puso.
Hanggang sa muling pagkikita...
Mahal na mahal ka namin aming munting anghel...
Salamat....
Salamat....
Lunes, Setyembre 10, 2012
"Kailanman"
Hamog....
Ilang beses ko noon pinangarap na mahawakan ang hamog..
Ang pakiramdam na sana ay mahawakan ko ang mga lupa ng ulap habang namamasyal sila sa kapatagan.
Bibihira ako noon makapaglaro sa mundo na kung tawagin nila ay playground. Ang mga unang umaga ng aking kabataan ay madalas na paglalakabay sa mga probinsya tuwing bakasyon. ang paghahanap ng mga kalaro ay hindi ko gaano pinuproblema dahil sa dami ng aking mga pinsan.
Sa daan na ako inabutan ng sikat ng araw kung saan ang mga sinag nito ay nagsisilbing ilaw ng isang umaga na puno ng pag-asa. Lagi ako noon nakatayo sa gawing likod ng pickup truck upang pagmasdan ang mga tanawin sa aming paglalakbay. Tanaw ko parin ang mga hamog na gumuguhit sa mga puno at palayan. Lingid sa aking kaalaman na ang mga hamog na aking naaaninag sa kalayuan ay nalalanghap ko na pala. Malamig sa balat at masarap sa pakiramdam.
Sa aming pagdating sa lugar na kung saan ang paligid ay makikitaan mo ng mga makalumang bahay. Ang mga dingding ng kanilang pagkakabuo ay pinta ng mga kahapong nagdaan. Papasok kami sa isang eskenita at sa gawing dulo nito ay isang bangka na nagaabang sa aming pagdating.
Hindi ko matandaan kung bakit parang paulit-ulit lamang ang pagpinta sa akin ng kahapon tuwing naaalala ko ang pagsakay ng bangka. Ang simoy ng tubig sa ilog ay nalalasap ko parin hanggang ngayon. Ang bawat galaw ng tubig ay umaalon parin sa aking isipan kahit ngayon. Dadalhin kami sa kabilang dako ng pampang kung saan naghihintay ang mga kamag-anak na nasasabik sa aming pagdating. Tanaw ko na ang mga alagang aso na animoy nasasabik din sa aming pagbabalik. Naaaninag ko na ang usok ng mga sunog na kahoy sa pagluluto. Natatanaw ko na rin ang mga bata na dati naming mga kalaro noong nakaraang bakasyon.
Sa pagdaong ng bangka ramdam ko na parang kahapon lamang ang aking pagparito. Ang lugar kung saan madalas kami nagbabakasyon. Sariwa ang hangin ng aming probinsya at madaming puno ang namumunga dito. Ibang-iba ito sa mga probinsya na napuntahan ko na kung ikukumpara ko sa ngayon. Malayo sa dagat ang aming barangay ngunit ang buhangin dito ay pino at puti . Isang lugar na aakalain mong tabing dagat ngunit tabing ilog pala. Kung paano ito nangyari ay hindi ko alam ngunit para sa akin ito ay isang paraiso ng mga mumunting anghel na naghahanda sa kanilang paglaki.
Wala kami pinagkaiba sa ibang bata noon. Marahil ang kulay namin ay masmaputi kumpara sa aming mga kalaro ngunit kailan man ay hindi namin sila itinuring na iba. Maliit lamang ang aming bakasyunan noong kabataan ngunit siksik sa magagandang ala-ala. Ang mga lupa na nagsilbing daanan namin sa araw-araw at nagbigay kahulugan na hindi namin kailangan ng malawak na dagat upang magkaroon ng mga pinong buhangin sa aming paglalaro. Kung saan ang buhangin ng dagat sa tubig ng ilog ay sapat na upang maging kumpleto ang aming buhay sa mundo ng pagkabata.
Dito mag-uumpisa ang aking bakasyon, ang bawat paglalaro namin noon sa bukid kasama ng mga kalabaw at mga tuyong dahon ng palay ay akin pang inaalala at ikinagagalak sa ala-ala. Gunita ng kahapon hanggang sa paglubog ng araw, ang mga kulay na kupas ng mga sinag nito ay hanggang ngayon ay nangungusap na
"kailanman ay hinding-hindi kayang bitawan ng isang bata ang kahapon mula ng siya ay natutong mag-isip ng magagandang bagay sa mundo."
"Kailanman ay hindi mo matatangal ang pagkasabik sa mga taong bumubuo ng isang magandang ala-ala."
"At kailanman ay walang makakapantay sa iyong nakaraang kabataan."

Huwebes, Setyembre 6, 2012
"Sumungkit Din Ako Ng Mga Bituin"
Sumungkit din ako ng mga bituin at isinulat dito ang aking pangalan.
Nagkaroon ako noon ng mga kaibigan, mga kaibigan na hindi mo makikitaan ng pagkadismaya sa buhay. Kahit na ang mga estado ng kanilang pamumuhay ay malayo sa kanilang pag-uugali at pananamit. Masayahin, malinis, magalang at may mga pangarap sa pamilya.
Sa kanila ko una natutunan ang salitang barkada. Simula sa pinaka simpleng kuwentuhan hanggang sa pinaka mahabang usapan na halos abutin na kami ng takip silim ay hindi parin nakakasawa. Tawa lang kami noon ng tawa. Ang tuwa sa aming mga mata ay halos hindi na matangal ng oras sa maghapon. Naaalala ko pa nga noon na ang hirap bitawan ng salitang "Uwi na ako" kung saan ang maikling oras na iiwanan namin ang isa't isa ay ang hirap bitawan.
May mga panahon din kami noon na natatahimik at naguusap ng seryoso. Natatandaan ko pa ang mga usapan na walang kasagutan sa mga tanong namin noon . Habang nakahiga kami sa ibabaw ng isang sirang sasakyan at nakatingin sa kalawakan sa gitna ng gabi ay nag-iiba ang mga pangungusap sa bawat isa. Doon namin itinatanong ang mga bagay na hindi namin maintindihan at ang mga desisyon na hinihingan namin ng mga opinyon ng bawat isa.
Panahon lamang ang aming sandalan sa bawat isa na kung paano kami magiging matatag sa mga araw na dumaraan. Walang bibitiw ika nga, walang mawawala sa sirkulasyon at walang magbabago.
-Habang nakaupo sa lilim ng puno sa lalim ng gabi ay nagwika ang isa sa amin.
"Brod tumingin kayo sa kalawakan...
Kita nyo ba ang mga bituin?
Mamili kayo ng isa at ipangalan nyo sa inyo at sabihin ninyo sa akin....."
"Para kahit magkakalayo na tayo at malungkot ang isa sa atin,
Titingin lang tayo sa mga bituin at maaalala nyo ang mga masasayang panahon ng ating samahan."
Ang kaibigan na unang nagpaalam sa amin , isang pagpanaw na hindi inaasahan ng lahat. Mga masasamang tao ang dahilan ng kanyang mabilis na paglisan sa mundo. Kahit naibigay na ng batas ang katarungan ay hinding hindi kailanman mauubsan nito ang sakit na gumuhit sa aming mga puso.
Hindi naging madamot sa amin ang oras dahil binigyan kami nito ng mga ala-ala na masasaya. At gaya nga ng sinabi ko na panahon lamang ang aming sandalan sa bawat isa, kaya nang naging madamot na sa amin ang oras ay isa-isa ng nawala ang mga taong bumubuo ng aming samahan. Hindi ko na alam kung ano na ang meron sa kanilang mga buhay. Ang kanilang mga pangarap ay hindi ko narin nasundan. Ang sa akin ay tuloy parin sa pagbuo at ang ilan sa kanila ay nangangamusta parin na kamusta na ba ang buhay tramo? oh kamusta na ba ako?
Sumungkit din ako ng mga bituin kung saan isinulat ko dito ang aking pangalan at tuwing lumalalim na ang gabi ay pilit akong tinatanaw ng aking kahapon kapag naaaninag ko sila sa kalawakan. Isang samahan na hindi mawawala , isang kahapon na ni minsan ay hindi kumupas sa aking ala-ala.

Martes, Agosto 21, 2012
"Hindi Sa Akin Ang Mundo"
Sa loob ng kotse....
Nasa gawing likod na upuan at habang nasa traffic ay isinandal ko ang aking ulonan at tumingin sa itaas. Tanaw ko ang mga bituin sa labas habang hawak ko ang mundong hindi sa akin. Nangangarap na kailan ko kaya mahahawakan ang buhay na buong-buo. Kailan ko kaya maibibigkas ang mga wikang masasaya.
Limitado ang lahat ng aking pagkakataon noong highschool. Inampon ako ng aking mga kamag-anak at nagsilbing tagaligo ng aso, tagapunas ng kotse, tagalinis ng mga maduduming parte ng bahay at kung anu-ano pang trabaho na maaari nilang ipagawa sa akin. Ang pagiging mahusay ay hindi opsyon upang maging masaya. Wala akong pakialam sa salitang Valedictorian at Salutatorian dahil ang pakiramdam ko noon ay hindi sa akin ang silid, ang damit , ang sapatos at ang librong ibinigay sa akin. Para lang ito sa mga taong naghahanap ng rason kung bakit nila ako pinag-aaral.
Hindi ko noon maintindihan kung bakit kahit pagod na ako sa pagiging utusan eh pakiramdam ko noon ay hindi ako nagkamali sa mga desisyon na ginagawa ko. Marahil siguro ang tanging tama lang sa akin noon ay sumunod lang ng sumunod sa mga utos na hindi maaaring baliin.
Sa tuwing sasapit ang bakasyon noong highschool bihira mo ako makitang masaya. Hindi katulad dati noong panahon ng elementarya na halos lahat ng araw ay maaaliw ka. Dito ay iba, ibang-iba sa nakagawian. Naging pahinante ako sa truck at kung minsan ay tagatangal at tagaderecho ng mga pako sa construction site. Trabahong hindi ko naman ginusto ngunit dahil nga hindi sa akin ang mundong ginagalawan ko noon eh lahat ng desisyon ko ay oo lang ng oo.
Hanggang ngayon ay hindi ko parin makita ang kahalagahan ng ganung aspeto ng idolohiya sa pagpapamulat ng isang kadugo na ganito ang buhay pag wala kang pinag-aralan. Imbes na ipahinga ang mga katawan at isipan dahil sa mahabang araw ng pag-aaral sa eskwela eh pilit pa nila isinisingit ang ganitong nakakapagod sa isipan at katawan na hindi naman nila maipaliwanag ng buo at kung bakit. Marahil ayaw lang nila ako maging masaya sa araw ng aking bakasyon oh marahil parusa ito sa akin dahil sa mga pangako nila na pasan-pasan ko hanggang makatapos ako ng aking pag-aaral.
Salamat narin sa kanila ngunit ang aral na ibinigay nila sa akin ay hinding-hindi ko ipapamulat sa mga taong bumubuo sa aking mundo ngayon. Ni minsan sa buhay ko noon ay hindi ko sila pinanghugutan ng aking lakas dahil ang kahinaan ko ay ang kalagayan ko at ang kalungkutan ko ay ako lang ang nakakaintindi. Nagiging masaya lang ako tuwing mag-isa sa aking silid. Kapatid ko ang kama at kaibigan ko ang telebisyon. Kakuwentuhan ko ang bintana at sandalan ko ang aking mga unan tuwing umiiyak. Mga pagkabigo na ako lang ang nakakaalam at mga kalungkutan na sa akin lang nakapangalan.

Miyerkules, Agosto 15, 2012
"Lumang Ako"
May bahay...
May hagdan...
May bintana...
May pinto...
Ala-ala..... 1984 sa Pangasinan... Halos mabura na ng panahon ang aking mga ala-ala, kung paano ako lumikha ng mga ngiti noon ay unti-unting inagaw sa akin ng kahapon. Marahil ang mga gunita ng aking malayong nakaraan ay kayamanan nalang ng mga taong bumubuo ng mundo ko noon.
Gasera...
Mukha....
Si lola...
Natatandaan ko pa ang lamesa na may gasera at handa na ang pagkain sa hapagkainan.
Dahon ng mga kawayan, basang lupa at sariwang hangin ang mga imaheng naglalaro sa likod ng aking isipan. Dilaw ang paligid dahil sa takip silim. Tahimik at mayumi ang mga tunog ng tubig.
Hanggang dito nalang talaga ang kaya kong balikan sa taon na iyon. Patawad at ito nalang talaga ang kaya kong isanaysay sa inyo....
Lumang bahay...
Lumang hagdan...
Lumang bintana...
Lumang pinto...
Salamat lumang ako...

Lunes, Agosto 6, 2012
"Kahit Gaano Kalayo Huwag Lang Dito"
Noong inilayo ako sa aking mga kapatid upang makapag-aral at tinahan sa isang lugar kung saan ang pangungulila ang tanging libangan ng aking pagkatao at ang pagiging masaya ay mahirap hagilapin sa mga lugar na katulad nito. Lagi ko noon hinihintay ang ulan at pagdumaratig na ito ay lumalabas na ako sa aking pagkakasilong. Gamit ang hiniram na bisikleta una kong babaybayin ang daanang patungo sa lugar kung saan ko ipinagkatiwala ang aking mga mumunting emosyon. Dito tanaw mo ang mahabang kalsada na sinisilungan ng mga puno sa gilid ng daan. Masmaganda pala pagmasdan ang mga ganitong tanawin ang lilim sa daanan sa malakas na ulan. Mga patak ng ulan na dumadaan sa dahon at mga sanga na kumakaway na pinapagalaw ng ihip ng hangin. Wala namang bagyo ngunit ang ulan sa lugar namin noon sa probinsya ay dumarating bago pa lumubog ang araw.
Ang kalsada kung saan nagsilbing silong ng aking mga ngiti at nagbibigay kasiyahan sa kabila ng mga pangungulila sa aking mga mahal sa buhay. Habang nakatingala sa mga puno sabay kong ipinipikit ang aking mga mata at nangungusap na may kagalakan ang pakiramdam. Hindi ko alam kung may luha sa aking mga pisngi ngunit ang alam ko naghahalo ang aking kalungkutan at kasiyahan sa iisang damdamin. Niyayakap ko ang mga patak ng ulan habang pinapakingan ang mga bulong ng hangin. Minsan lang ako humiling sa langit ngunit ni minsan hindi ako nag-isip ng aking kalayaan sa lugar na iyon dahil sa una palang alam kong pagsubok lamang ito ng panahon ngunit ang hindi ko lang napaghandaan ay kung gaano ito kahirap na halos patayin ako ng lungkot sa bawat araw na dumaraan.
Maliksi parin ang mga patak ng ulan tuwing matatapos na ang aking kahibangan. Sa aking pag-uwi habang sakay ng aking hiram na bisikleta pilit kong pinapabagal ang mga oras na dumaraan. Ang mga agam-agam na sana'y bukas ganito ulit at sana'y makayanan ko lahat ng pagsubok na ibinabato sa akin ng mga taong walang magawa kundi manghusga ng kapwa at manira ng pagkatao.
Madami rin naman akong natutunan sa lugar na iyon kung saan ang aking katatagan ang naging ugat ng aking kalakasan.
"Mahirap pala maging mahina, lalo na kung alam mong bagsak na bagsak kana at wala kang ibang choice kundi maging malakas at magpakatatag"
Sa buhay madami tayong pinagdadaanan na pagsubok at ang ilan dito ay halos ikutin ang pagkakakilanlan mo sa iyong sarili at pagkatao. Ang ikaw ay magiging taong hindi mo inaasahan na magiging ikaw na pala. Ngunit sa paglipas ng mga panahon bigla mo nalang mapapansin na pinapasalamatan mo yung mga taong walang magawa kundi saktan ka. Ngunit kahit gaano man ito bigyan ng makahulugang sanaysay at kalimutan ang lahat ay nandoon parin ang isang desisyon sa iyong puso na hinding-hindi ka na babalik sa lugar kung saan ibinigay sayo ang luha ng langit. Isang paglalakbay na ayus lang kahit saan, okay lang kahit gaano kalayo huwag lang dito. Hindi dahil sa may gusto kang patunayan kundi hanggang doon nalang dapat sila, doon sila nararapat, hanggang doon na lamang sa nakaraan.

Biyernes, Agosto 3, 2012
"Ulan"
Naalala ko noon habang lumalalim ang gabi lalo ako nagigising. Dinadalaw ako ng mga ala-ala ng nakaraan. Ang pagiging payak ng mga bagay sa akin noon ay pilit sa akin ay nangungusap na kamusta na ba ako ngayon. Kung saan isa-isa kong hinihimay ang mga kaganapan sa aking nakaraan at pinagduduktong-duktong ang mga desisyong nakapagpabago ng aking pagkatao. Ang bawat talata at kuwento ng kabataan hanggang sa pinaka bagong pangungusap ng kahapon.
Ayaw parin tumigil ng ulan, masaya parin ang hangin sa paglalaro ng mga patak at ambon. Hinahagis sa akin ang mga anggi na may kahalong lamig at dausdos na nakakakiliti sa tenga at balat. Ang gabi kung saan hindi ko na ramdam ang aliwalas ng panahon kahit walang kuryente at tanging malilikot na kandila na lamang sa aming lamesa ang naglalaro sa dilim. Banig ang tanging higaan namin noon at ang kulambong ilang taon na pagsilong sa mga bata sa iisang bubong. Ako, kasama ng aking mga kapatid sama-sama kaming pinaghehele ng aming mama. Sa madilim at tahimik na kumonidad ang mga mumunting anghel na hindi kailan man nawalan ng pangarap na sana bukas maganda ulit ang umaga.
Ulan lamang ang aking kakampi sa kalungkutan. Ang mga patak nito ang tangi kong sumbungan ng aking mga agam-agam. Sa bintana namin noon madalas ko makita ang mga bubong na dinadaluyan ng mga agos ng ulan kung saan nagsisilbi itong mukha ng kanilang pagkakakilanlan na kahit anong mangyari ay tuloy parin ang buhay bumuhos man ang malakas na bagyo. Bihira mo ako makitang malungkot noon dahil madalas ay kailangan ko maging masaya, hindi dahil para itago ang mga malulungkot na damdamin sa mga hindi ko maintindihan na mga desisyon sa buhay kundi upang maging malakas at matatag ang mga taong nakapaligid sa akin na animo'y parang ayos lamang ang lahat. Sanay na ako makita silang nakikita nila akong masaya, kaya nga kahit ngayon gusto ko malaman nila na ayos lamang ako kahit sa mga pinaka mahina kong pagkakataon sa buhay dahil doon ako lumalakas kapag nalalaman kong masaya sila kapag masaya din ako.
Kung paano ako hinubog ng panahon sa mga pagsubok at pagaalinlangan , sa paghahanap at pagkakakilanlan sa nakaraan, dito ko naunawaan na ang pangangamba ay dumarating lamang sa mga taong hindi pa nakaranas ng pagkabigo at pagkadismaya. Naging matatag ako sa kabila ng lahat at nagpapasalamat sa mga taong naging totoo sa akin hanggang sa mga panahong masasabi kong walang-wala talaga ako kundi ang umupo at manalangin na sana'y bukas eh ayos na ang lahat.
Malamig parin ang ihip ng hangin..
May bagyo ba? Sana wala na......

Martes, Hulyo 10, 2012
"Paaralan Ng Mga Makukulit Na Bata"
Umuusad nanaman ang aking pananaw sa mga kailangang kong isipin sa mga gagawin ko bukas. Ang hindi ko lang maintindihan eh bakit kailangan ko pang mangamba sa mga bagay na hindi na saklaw ng aking interes. Pangako lang ang hindi ko pinapansin sa mga salita, mga katagang hindi dapat binibitawan ng mga taong walang magawa. Paulit-ulit ang maririnig sa mga sigaw nila, makukulit na mga bulong "Hoy! tawag ka ni mam!" hala! nasa loob pala ako ng klase ....
Noong grade 3 ako madalas ako nananaginip ng gising at dahil dito halos hindi ko na maiintindihan ang aming pinag-aaralan. Nakakatawang isipin dahil ang demerit ng aking mga classcard noon ay laging "magfocus sa klase at magaral ng mabuti". Nag-aaral naman ako ng mabuti kaya nga mula grade 1 hanggang grade 6 eh nasa section 1 ako. Nagkakataon lang talaga na hindi kaaya-aya ang boses ng aking mga guro noong mga panahon ng aking elementarya. Animo'y parang lola basyang na nagkukuwento lang at naghahanap ng makakausap. Nakakaantok ang boses at mapungay ang mga mata dahil sa maghapong pagtuturo. Naiintindihan ko naman ang aking mga guro ang hindi ko lang maintindihan talaga eh bakit parang may malagayuma ang mga boses nila na humahantong sa aking pagkainip at pagiisip ng malalim hanggang ako'y managinip ng gising.
Masaya ang ala-ala ng aking elementarya. Dito ko nakilala ang mga taong itinuturing ko naring parang mga kapatid. Hindi ko man sila madalas nakikita sa ngayon bagkus ramdam ko na may mga parte sa pagkatao ko na sila ang may gawa. Kung paano ba ang maging bata at magaaral ng mabuti ay isa sa mga hindi ko makakalimutang karanasan. Isang bubong na kung tawagin ko ay mababang paaralan ng mga makukulit na bata. Isang pagtatapos na hindi ko manlang naisip na magpasalamat sa mga naiwanang guro. Isang paglisan na ni minsan ay hindi ko manlang naibigkas ang mga katagang -"salamat mga kapatid".
Sopas, lugaw, champurado at ang walang kamatayang miswa. Mga tasa na may lamang maiinit na sabaw sa aming mumunting canteen. Ito ang aming buhay elementarya, sobrang payak at ginto sa ala-ala. Ang balon sa likod ng enteblado ng aming paaralan, dito namin iniigib ang mga ginagamit namin sa paglilinis ng aming mga classroom. Tandang-tanda ko pa kung paano namin lampasuhin ang mga sahig at punasan ang mga dingding na pinaglumaan na ng panahon. Mga dingding na naging saksi sa aming paglaki. Ang mga pagmulat sa mga bagong kakayahan at ang pagkakaroon ng mga kaibigan ay sabay-sabay naming niyakap at pinagpahalagahan. Sa loob ng anim na taon ay may mga nawala rin sa amin. Ang section na aming minahal at ginawang pangalawang tahanan ay unti-unting hinubog ng panahon sa paaralang punong-puno ng pagmamahalan at dedikasyon sa pag-aaral.
"Kung paano maglaro ang isang bata ay ganoon din namin naunawaan na ang pag-aaral ay hindi lang pala para sa mga bata kundi para din pala sa mga nangangarap kung paano maging bata ulit."

Huwebes, Hulyo 5, 2012
"Basag Na Pagkatao"
Sa bawat hakbang ng ating mga paa, sa bawat sulyap ng ating mga
mata sa bagong umaga at sa bawat pagpapahalaga na alam nating tama hindi tayo natinag sa paninira ng iba kahit ang ilan dito ay galing sa sarili pa
nating kaibigan at kasama.Wala tayong pinipiling panahon kung kailan tayo
maglalaan ng panguunawa, wala tayong gustong sayangin na oras basta lang
makatulong tayo sa ating kapwa. Hindi natin natutunan
ang maging sakim sa kapangyarihan kaya nga hanggang ngayon bilib parin
ang ilan sa ating katatagan at serbisyong totoo. Hindi natin pinili ang
maging mapagmataas lalo na sa mga taong alam natin na ngangailangan ng
kalinga at tulong na galing mismo sa puso dahil ang pagiging matulungin
ay likas na sa atin na ipinanganak na may tatak ng bandilang Pilipino.
Hindi tayo pare-pareho ng pinaghuhugutan ng lakas, wala tayong hangin na kung tawagin nila ay kayabangan. Mas gugustuhin pa nating madagdagan ang ating kaalaman kaysa magpangap na maraming alam. Ang mga oras na ginugol natin ay hindi ganoon kadali, sakripisyo para sa mga mahal sa buhay at mga kapatid habang ang iba naman ay pilit ikinukumpara ang sarili sa ating kakayanan. Sanay na tayo batuhin ng mga batikos kaya nga tayo lumalakas pag nandyan ang mga taong walang magawa kundi pumuna imbes na gumawa at kumilos na naaayon sa kanyang uniporme.
Sa mga paraan na naiiba tayo sa karamihan hindi natin ginamit ito upang makapanglamang sa kapwa. Sino ba ang lumalamang? sino ba ang nagmamataas? hindi natin masasagot yan, kung baga sa bato kung sinong tamaan ay siyang masasaktan at kung saan ang masakit ay pilit itinatago at nagkukunwaring hindi tinatamaan. Bato ng isang masakit na katotohanan, matatalim na mga salitang di kayang maiwasan. Inilalagay ang sarili sa nababasang kataga kaya tuloy ang bato-bato sa langit lahat ay nasasalo at ramdam ang pukol ng isang mabigat na katotohanan.
Dahil ang bawat talata at kuwento ng isang pagkatao ay unti-unting nilalapat sa pahina ng ating buklod na libro sa pangkalahatang bintana tungkol sa mga pinagdaanan nang iilan sa atin. Ang bawat kuwento ay walang pangtukoy na kung sino at kailan, ngunit ang mga aral ay kabuluhan ng ating pagkakakilanlan. Tayo, ikaw at ako, basag na pagkatao yan ang iniiwasan ng ilan sa atin ngunit ang ating panimula ay simbulo lamang ng pagpapatunay na
"Hindi lahat ng panahon ay mabubuhay tayo sa mga kuro-kuro dahil ang pag-iisip ng mga tama sa mali ay laging idinidikit sa salitang prinsipyo."

Martes, Hunyo 19, 2012
"Ito Ang Dagat, Oo Ang Dagat"
Nakakamis yung tubig yung mga puting buhangin at sariwang hangin. Gusto ko bumalik sa lugar na ito . Walang katumbas ang liwanag ng Dagat sa tag-araw, ang mga halaman na naglililim sa mga lamesa sa gilid ng dagat. Isang araw babalik din ako kasama ang mga kaibigan at ang mga mahal ko sa buhay. Isasalaysay ko ang mga ala-ala na aking naranasan sa lugar na minsan ko pang narating gamit ang aking papel ng buhay. Dito ko natutunan na ang lakas ng katawan ay kailangan din pala ng matalim na pag-iisip at determinasyong mabuhay.
"Ito ang dagat, ...
Oo ang dagat"
Huwebes, Hunyo 7, 2012
"Magmahal Muli"
"Kung saan naging kapareho ng katabi ko ang suot-suot kong t-shirt. Sa sobrang badtrip eh bumaba ako sa lugar na hindi ko naman dapat babaan."
Isa lamang ito sa aking karanasan sa pagiging buhay estudyante. Hindi ako mahilig pumorma noong panahon ng aking kabataan. At dahil nga sa sobrang kasimplehan ko eh pati relo ay hindi ko narin nakasanayang suotin. Madalas ako tumingin sa mga relo ng ibang tao at madalas din ako sumilip sa mga tindahan, botika, at kung minsan ay sa bintana ng ibang bahay. Highschool ko na naramdaman na importante pala ang orasan. Doon ko narin kasi naunawaan na ang taong may relo ay laging handa.
May mga pagkakataon noon na nagigising ako sa madaling araw at gumagawa ng project. Deadline ang pinaka busy kong araw. Ang pagsisimula ng umaga ay kapeng malamig at pandesal na hindi manlang nahawakan. Magsisimula sa umaga at matatapos kinabukasan din ng umaga. Wala ako gaanong barkada noong highschool, mahilig lamang ako magbasa ng comics, mag drawing ng super heroes at makinig ng fm radio sa loob ng aking silid. Sa mundo ko noon mahilig ako mag-isa sa aking kuwarto. Masmasaya ako kapag walang kausap dahil mas madali sa akin na maintindihan ang mga binabasa, pinapakingan at pinapanood na mga paboritong palabas sa TV.
Sa pagdaan ng mga taon unti-unti ko naramdaman ang pagnipis ng mga pahina ng oras. Naka ilang ulit ko narin sinubukan na tuklasin ang paghahanap ng kabuluhan sa aking pagsulpot sa mundong ibabaw. Kung gaano ako kahalaga sa iba ay aking naramdaman ngunit kung gaano ako kahalaga sa mundo ay akin pang inaalam. Kaya siguro naisip ko ang magsundalo dahil noon palang ay hinahanap ko na ang totoong kahulugan ng buhay.
Pag gumigising ako sa umaga ang una kong ginagawa ay pumunta sa labas ng bahay. Lalanghap ng sariwang hangin at kung minsan ay maghihintay ng pusa na maglalambing sa aking mga binti. Mga ilang minuto din bago ko maramdaman na gusto ko pala ng kape at kung minsan nagkakape ako sa labas ng aming pinto kasama ng mga malalambing na kuting at ng kanilang ina. Madali lang naman sa akin ang paghahanap ng kasiyahan. Mas simpleng bagay at mas simpleng lugar ay masmadali akong natutuwa.
"Kung saan ang lahat ay nagiging patas sa aking paningin dahil para sa akin ang mapagmataas lang ang hindi nakakakita sa lupa."
Unang pagmamahal.....
Dito ko unang natutunan magpulot ng mga basag na pagkatao. Unang pagkabigo at Unang paghahanap ng sarili. Ginulo nito ang mapayapang alon ng aking diwa at kaisipan. Naramdaman ang totoong paggamit ng salitang "Bakit?" at naunawaan na,
"Kahit gaano ka pala kamahal ng taong mahal mo importante parin pala na may pinanghahawakan ka na mahalagang parte ng pagkatao mo."
"Hindi ako naging manhid gaya ng sinasabi ng iba.... Hindi ko lang talaga sila nakikita habang pinupulot ang mga parte ng aking sarili na binasag nila."
Sa ngayon Buo na muli ako. Iniingatan na hindi na muling mababasag ng kung sinong tao sa mundo. Matagal na panahon narin ang lumipas mula noong unang pagbagsak ko. Hindi naman ako nagbago sa pakikitungo sa iba ngunit mula nung natutunan ko ang magpatawad kasabay nito ay natutunan ko narin ang magmahal muli.
Martes, Mayo 29, 2012
“Saan?”
Kung minsan naiisip ko kung naging parte ba ako ng mundo
nila?.. Kung saan ang pag-aakala na isa
ako sa kanila ay unti-unting nawawala.
Ang gusto ko lang naman ay maging masaya rin kasama sila ngunit bakit
may pagkukunwari akong naririnig na sinasabi ng iba? Ibinigay ko naman ang
aking respeto sa alam kong tama. Inilabas ang mukha ng aking pagkatao at naging
totoo sa likod ng mga ngiti at halak-hak habang kasama sila. Hindi na tayo
bumabata pero bakit sa kung kailan naging kuntento na ako sa samahang binuo ng
iilan eh doon ko pa naramdaman na may mga taong unti-unti na sa akin ay
gumagawa ng panghuhusga pangtukoy sa mga bagay na hindi ko naman ginawa.
Madali naman ako kausapin, bakit hindi nalang ako lapitan at
tanungin kung bakit naging ganito at kung bakit naging papaano?
Hindi ko na sila maintindihan at kung minsan pa nga ay pinagmamasdan
ko nalang sila at tinatanong ang mga katagang…..
Mahirap ba ako maging kaibigan?
Oh nasobrahan lang ako sa pagpapakatotoo sa mga taong hindi
ko naman ganoon kakilala?
Saan ba ako pinagbawalan na sinuway ko?
Saang parte ba ng aking pagsasalita ang hindi nila
nagustuhan ?
Saan ba sa pagkatao ko ang hindi nila maintindihan? …
“Kung kasalanan ang maging kaibigan mo, tatangapin ko ang pagkakamali dahil buo parin
ang tiwala ko sa inyo.“
Biyernes, Abril 20, 2012
"Kung Kaya Niya, Kaya Mo Rin"
Tahimik...
Walang tao sa classroom...
Habang hawak-hawak ang mga papel na aking ni-rereview hindi ko maiwasan ang makawala sa aking konsentrasyon. Naiiba ang isip at patuloy ang paglalakbay sa diwa ng mga bagay na lagi kong ikinasasabik sa labas ng paaralan. Mahilig ako noon makipagkuwentuhan sa mga taong hindi ko kakilala sa loob ng paaralan ngunit bibihira ako sumama sa mga gimik na ginagawa nila at madalas imbitado ako at kung minsan naman ay gusto lang nila ako kasama. Hindi uso sa akin noon ang alak at gumala kasama ang mga kaibigan. Ang tanging libangan ko lang noon ay pagkain at kung madalas naman ay online games.Madalas ako mag-isa sa bakery at madalas din ako mag-isa sa hallway habang naghihintay ng klase. Madali naman ako lapitan ngunit mahirap ako tanungin pagsubject na ang pag-uusapan.
Matagal din ako naging ganito sa loob ng aking paaralan, kung minsan panga ay papasok lang ako kahit walang pasok para maiba lang ang araw ko. Sa mga subject na natapos ko mayroon akong naiiwan na mga kakilala at kung minsan naman ay kaibigan. Nagkikita nalang kami sa iba pang subject kung saan ang bawat isa may dala-dalang pagkasabik sa kuwentuhan.
Naalala ko pa ang isang grupo ng mga estudyante na nakilala ko, mahilig sila maglaro ng table tennis. Ito lamang ang sport na bihasa ako sa paglalaro kaya siguro mabalis akong napalapit sa kanila. Maliit lamang ang aming PE room at halos dalawang table tennis lamang ang maaaring ilagay ng aming instructor upang magturo. Dahil narin siguro maraming naglalaro ng table tennis nung panahong iyon ang aking guro ay hindi narin nahirapan magturo ng rules and regulation, procedures at technicality ng larong table tennis.
Ang mga oras namin noon sa silid ay isa sa mga panahon na gusto kong balikan sa loob ng paaralan.
"Hindi ganoon kahirap maghanap ng kaibigan , ang mahirap lang eh kung anong klaseng kaibigan ba ang mahahanap mo"
Paikot-ikot lamang ang mundo namin sa loob ng silid upang maglaro. Aabutin kami ng gabi at hanggang magsara na ang aming PE room at tuluyan na kaming palabasin ng guard. Kahit ganito ang mga routine namin nung panahong iyon eh madalas parin naman kami mag-review ng aming mga subject. Ang PE room ay ang naging tahanan namin sa loob ng ilang taon. Lumipas ang ilang taon naramdaman din naman namin na mangilan-ngilan narin ang nawala sa aming samahan. Umaalis sila hindi dahil sa ayaw na nila maglaro, kundi nawala na sila sa sirkulasyon dahil narin sa kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Kung tutuusin masakit sa amin ang mawalay sa mga taong itinuturing na naming mga kapatid. Ngunit pag ang reyalidad na ang pumasok sa eksena malalaman mo din sa huli na hindi lamang dito umiikot ang mundo ng pagiging studyante.
"Ang kasiyahan ay kayang palitan ng Pangarap upang sa bandang huli ay kasiyahan parin ang aanihin mo para sa kanila"
Gaya ng upos ng mga kandila ang samahang nabuo sa isang silid ay tuluyan ng nawala. May mga pumalit din naman sa amin na mga bagong estudyante ngunit ang mga lumang tao sa loob ng PE room ay nawalan narin ng interes dahil malapit narin ang kanilang pagtatapos ng pagaaral.
Nawala narin ako sa sirkulasyon at sa puntong ito ako ay huminto sa aking pag-aaral at pumili ng ibang bagay na pagkakaabalahan at gawing propesyon. Tumagal din ako sa aking paghahanap ng kung anong meron para sa akin na hindi kayang ibigay ng iba. Sariling desisyon ko ito ngunit sa bandang huli malalaman mo na magulang parin pala ang may magagandang pangarap para sa kanyang mga anak. Kahit ibahin man natin ito o hindi, panigurado isa lang ang gusto nilang iparating, ang magtapos ka sa pag-aaral.
Pagkalipas ng ilang taon bumalik ulit ako sa aking naiwang paaralan at dito muli ko itinuloy ang aking naiwang pag-aaral. Sa mga unang taon ng aking muling pag-sisimula ay may mga nakilala akong estudyante na ang layunin nila ay ang mag-aral at maging masaya. Dito ko rin nakilala ang isa sa mga dati kong guro na nagtuturo tungkol sa pagiging mahusay na inhinyero. Isa sya sa mga adviser ng mga estudyanteng nagaaral upang maging inhinyero balang araw. Magalang, karispe-rispeto at minamahal ng mga nagiging estudyante nya dahil sa matiwid na pangaral.
Dahil sa aking paghinto sa pag-aaral noon ay hindi ko maiwasan ang pagkawala ng puwang sa bagong samahan ng mga estudyante kung saan pakiramdam ko eh lagi nalang ako pinagkakamalang propesor tuwing pumapasok ako ng classroom. Ngunit ang agam-agam na ito ay tuluyan narin nawala ng makilala ko ang ilan sa kanila. Sa aking pagbabalik dun ko naunawaan na masmadami palang aral ang maaaring matutunan kapag nakikinig ka rin sa pangaral ng iyong pangalawang magulang oh guro. Ang pakikinig na hindi kailangan ng pagsusulat at ang aral na hindi kailangan pag-aralan, yan ang pagtuturo kung paano maging propesyonal at maging tunay na kaibigan.
Lagi ko natatandaan ang mga salitang
"Kung kaya niya, kaya mo rin!"
Kung saan ang pagiging pantay-pantay ay kanyang itinuro sa lahat. Mula sa pagiging iba sa karamihan hanggang maging kaibigan ng lahat. Yan ang kanyang nagagawa sa mga estudyanteng ayaw makisalimuho sa iba. Hindi man nya sabihin ngunit sa akin pananaw ay napagsasama-sama nya ang mga iba't ibang karakter na tao tungo sa pangaral na gusto nya, ang mag -aral ng mabuti at makatulong sa magulang.
Bihira ako magkaroon ng idolo oh mga taong gustong tularan dahil narin siguro sa mga kakaibang pananaw ko sa buhay na kung paano ba ang mabuhay. Aaminin ko isa siya sa mga iniidolo ko, kung bakit hanggang ngayon ay pantay parin ang mga paa ko sa lupa at naninindigan kung ano ang tama sa mali.
Sa ngayon, kung saan ang paglipad ng pangarap ay halos magagawa ko na kasama ang aking pagkatao sa pag-abot nito. Salamat sa mga naging kaibigan sa paglalakbay at sa guro na hindi nagsawa sa pag-papaalala sa amin na
"Kung kaya niya, Kaya mo rin!"
Salamat...

Sabado, Marso 31, 2012
"Ganito Kami Nakikita Nyo Ba?"
Matingkad ang sikat ng araw at halos maluto na ang aking suot na uniporme, sa bawat asin at pawis ng aking katawan pikit at pagpupursige ang dala-dala. Nakatayo sa lilim ng mga puno sa loob ng kampo may hawak na mapa at pilit na iniintindi ang mga nakasulat dito upang matunton ang lokasyon ng mga bagay na ipinapahanap sa amin. Isa lamang ito sa mga pagsubok na ibinigay ng aming mga opisyal.
Sa bawat ikot, lakad, upo, pahinga at pag-uusap ramdam ko ang itsura ng paligid, napuna ko ang mga sira-sirang istraktura sa loob ng kampo. Ang mga gusaling pinaglumaan na ng panahon na hindi man lang inayos dahil narin sa kawalan ng pagpapahalaga. Hindi ko masasabi kung kakulangan ba ito sa pundasyon oh kakulangan sa pondo, ang mga pagkukunwari na hindi bumenta sa paningin ko dahil narin sa matitibay pang mga bubong at haligi nito na animo'y pinagsungitan ng interes at ganid na pamamalakad.
Hindi ko alam kung sadya o dagdag sa pagtuturo sa kalinangan ang pinapagawa sa amin. Maaring hindi lang pagbabasa ng mapa at paglalakad ng malayo ang nais iparating sa aming mga kamulatan at pag-iisip. Naitanong ko sa aking sarili na
"Ako lang ba ang nagiisip ng ganito?"
Sa aking mga sulat ilalapat ang kaalaman at pagkakaunawa sa loob ng aking paglalakbay sa mundong hindi dinanas ng karamihan, ang pagsusundalo sa kakaibang paraan.
"Tinuruan tayo ng tama o mali, naisip ba natin na ang pag gawa ng desisyon sa buhay ay maaaring di dapat Tama o Mali, kundi Oo at hindi ?."
Pag may nakita kang bagay na may halong pagkadismaya at panghihinayang, matitiis mo bang huwag nalang lingunin? Hindi naman bawal ang huminto sa paglalakbay kung ang pangarap ang iyong prayoridad, kahit tumigil ka lang sandali at imbes na punahin ay gumalaw ka sa paraan na kaya mong ibigay kahit munting pagpapahalaga sa paraang gusto mo.
Ballpen, lapis, papel, keyboard, at kahit na anong angkop sa kakayahan mo basta galing sa puso mo at hindi galing sa impluwensya ng ibang tao ay isa sa magandang halimbawa ng patas na pamamahayag ng damdamin tungo sa pagbabagong inaasam.
Sa gitna ng aming paghahanap inabot na kami ng gutom, 2pm na wala parin kami makita sa pangalawang lokasyon na nakasulat sa aming mga mapa. 5 degree E of N lintik papunta sa pader na wala talaga kami makita. Sa pagpapatuloy ng aming paghahanap maka limang ulit na kalkulasyon at halos pigain na namin ang mapa at gumamit pa ako ng engineering formulas sa angle at radius, wala talaga, hindi namin ma-locate.
Dalawang grupo kaming paikot-ikot at halos sumuko na sa paghahanap, hanggang nag desisyon na kami na sabihin sa aming instructor na hindi namin ma-locate at lagpas na kami sa oras na itinakda.
(Mali ang nakasulat kaya hindi namin mahanap )
"No.1 rule: "bawal mag reklamo dahil kami ang lowest mammal sa loob ng kampo."
Ngunit ganun pa man , kahit na hindi namin natapos ang ibinigay na pagsubok ay mayroon parin akong natutunan, bukod sa talas ng kaisipan, mahabang pasensya at huwag sumuko hanggang kaya ang maging mapagmatsag at simpleng pangunawa sa mga bagay-bagay na hindi na kailangan sabihing
"Ganito kami nakikita nyo ba?"
Hindi na kailangan ibigay nang may pag-aalinlangan kundi ilaan ng kusa sa paraang masaya ka at kuntento sa mga nagawa para sa mundong pinapasok mo.
"Magandang pakingan ang halimbawa nang kahit na anong bagay sa mundo na may kabuluhan, ngunit di ba masmaganda kung hindi lang ito maganda sa pandinig bagkus isasalin natin ito sa paggawa?"

Miyerkules, Marso 28, 2012
"Higit Pa Sa Ulam"
Tanghaling tapat noon, hindi parin ako nakakapag-umagahan at dahil narin sa init ng araw halos hapuin ako ng uhaw sa lansangan. Napahinto ako sa isang karinderia, sa unang tingin aakalain mo isang compound lamang ito na puno ng lamesa. Sinubukan kong pumasok sa loob upang kumain, sinalubong ako ng ngiti at magalang na pagtatanong.
Nanay: "Ano sayo anak?"
(At habang tinitignan ko ang mga maaari kong kainin )
Nanay: " Munggo , longanisang haba at sinigang na bangus ano sayo anak?"
~Isang munggo Nay, at Longanisa ....
Nanay:"Ilang kanin?
~isa lang Nay...
kukuhanin niya ang kanyang salamin at aaninagan ka niya, ganyan sya katiwala sa mga itinuturing nyang mga anak. animo'y nababasa nya ang iyong pagkatao mula sa iyong tinig na kanyang naririnig. Wala sa istado ng buhay o sa itsura ang kanyang pamantayan, lahat ay kanyang ipinagluluto at bubusugin ang araw ninyo ng kanyang mga ngiti at pagpapahalaga.
Sa loob ng ilang taon dito ako kumakain ng umagahan at tanghalian. Dito din ako nagrereview sa umaga at madami narin ako naging kaibigan sa lugar na ito. Ang bawat hapagkainan ay napupuno ng kuwentuhan. Sari-saring ulam gaya ng mga usapan, Halo halong putahe gaya ng mga taong humihinto dito upang ubsan ang kanilang mga gutom at pagkasabik sa mga kaibigan o kakilala.
Marami-rami narin ang mga nakapagtapos sa aking dating eskuwelahan na naging parte ng karinderyang minsan pang binulungan ng mga magagandang pangarap. May mga Empleyado din sa mga di kalayuang establisimento na nagdilig din ng kanilang mga tawa at ngiti.
Kung saan ang isang magandang kuwento ay nagtatapos sa magandang ala-ala, ngunit ang bawat takip silim ng buhay ay hindi kailanman mababago na ang araw ay magpapahinga sa kabilang dulo ng daan at sisibol muli mula sa bagong buhay sa umaga.
Sino ba naman ang makakalimot sa lugar na ni minsan ay hindi mo makikitaan ng lungkot ang isang nagtitinda. Araw-araw na ngiti at boses ng isang nagtatanong na nanay na kung anong gusto mong kainin. Higit pa sa ulam ang aming natitikman, higit pa sa kanin ang sa amin ay ibinibigay, daig pa ng sabaw ang buong maghapon na pagod, yan ang mga inihahain sa aming lamesa mula sa isang mapagmahal na tindera at nirerespeto ng lahat ...
si Nanay
Ma-mimiss ka namin.....
MARAMING SALAMAT

Sabado, Marso 3, 2012
"Bahay Ko To, Bahay Namin To"
Sa panimula ng aking kuwento gusto ko lamang sabihin sa mga mambabasa na ang bawat kaganapan at lokasyon ay nangyari lamang sa aming lumang bahay sa iba't ibang panahon o taon.
-----------
Pangkaraniwan na sa bahay namin noon ang mga ingay sa pangalawang palapag. Ang mga yabag na animoy naglalaro at nagtatakbuhan ay halos araw-araw na naming nakasanayang naririnig.Kung sinuman ang may gawa ng mga ingay na ito ay hindi namin alam, dahil kahit anong tiyaga namin sa pagsilip sa itaas ng bahay ay hindi talaga namin sila makita oh maaninag man lamang.
-----------
Naka upo kami noon ng aking kapatid na babae sa lamesa habang nag kukuwentuhan ng marinig muli namin ang ingay sa pangalawang palapag. At dahil kahoy ang itaas ng aming bahay ay madali namin mapansin ang mga yabag na animo'y nagtatakbuhan at walang sawa sa paglalaro. Walang pinipiling oras ang kanilang paglalaro at dahil tanghaling tapat noon eh medyo may katahimikan ang paligid.
Dahil narin nasanay na kami sa mga ingay sa itaas ng bahay eh tuloy parin ang aming kuwentuhan ng aking kapatid sa lamesa habang kumakain ng tinapay. Sa gitna ng aming kuwentuhan walang anu-ano'y may biglang lumagapak na mga paa sa sahig sa tapat ng hagdanan na parang may tumalon mula sa itaas. Sabay kami napatingin ng aking kapatid sa sahig kung saan nanggaling ang ingay na aming narinig at sa di inaasahang pagkakataon wala kami nakitang nakatayo sa harap ng hagdanan at medyo natagalan pa ang aming pagtitig sa lugar kung saan namin ito inaasahang makita. Dahan dahan na lamang kami nagkatinginan ng aking kapatid at nagtaka sa nangyari.
----------
Kakauwi ko palang noon sa trabaho mula sa isang sikat na fastfood restaurant, dahil narin sa kagustuhan ko noon na kumita ng pera sa aking murang edad eh labag sa aking mga magulang ang aking desisyon na magtrabaho bilang service crew. Closing ang schedule ko sa trabaho at sa aking paguwi ay tulog na ang mga tao sa bahay. Pag pasok ko sa bahay derecho agad ako sa kusina upang kumuha ng maligamgam na tubig upang ibabad ang aking mga nananakit na mga paa mula sa maghapong pagkakatayo bilang service crew.
Habang nagpapahinga sa sala nanonood ako ng TV upang antukin dahil ramdam ko pa ang tensyon ng aking katawan mula sa trabaho. Sa gitna ng aking panonood walang anu-ano'y may biglang lumabas na lalaking nakaputi mula sa pader sa gawing kanan at tumawid sa aking harapan at tumagos sa pader sa kaliwa. Napatulala ako at inabot pa ako ng ilang segundo bago maunawaan na hindi tao ang nakita kong dumaan. Yun ang unang pagkakataon na nakakita ako ng mga nilalang na hindi ko maipaliwanag at hindi ko maikuwento sa iba dahil narin sa hindi ko alam kung maniniwala ba ako oh hindi sa mga ganitong pangitain.
----------
Dumaan ang ilang taon at sinubukan narin ni mama na kumuha ng kasambahay upang tulungan sya sa kanyang paglalaba. Dahil sa anim kaming magkakapatid ang mga labada noon ni mama ay gabundok tuwing tatlong araw. Galing sa malayong probinsya ang aming bagong kasambahay at may kasama itong isang anak. Noong una hindi namin alam kung paano ipapaliwanag sa kanya na bukod sa amin ay may mga ilang miyembro pa ng aming pamilya na hindi nakikita. Dahil bukod sa aming magkakapatid kasama ng aking mama eh may mga nilalang din sa loob ng bahay na ayaw naming sabihin sa kanya dahil baka maunahan ito ng kaba at takot at tuluyan ng umalis.
Dumaan lamang ang ilang buwan at tuluyan na niyang ipinahayag sa amin ang mga pagpaparamdam. Habang naglalaba daw siya sa tabi ng banyo eh bigla na lamang may tumatakbo papunta sa loob nito at isasarado ang kurtina at isisindi ang ilaw. Sa pag-aakala na may tao sa loob ay lagi daw niya ito hinihintay lumabas upang siya naman ang gagamit at madalas dahil sa kanyang pagkainip eh binubuksan nya daw ang kurtina at wala siyang naaabutan sa loob at laging nagtataka kung sino ang pumapasok ng banyo na hindi na lumalabas ngunit hindi naman nya nakikita sa loob.
Humingi naman kami ng paumanhin sa kanya sa hindi pagsasabi ng mga maaring maramdaman nya sa loob ng bahay dahil sa maniwala man kayo o sa hindi wala kasing nagturo talaga sa amin na totoo ang mga ganitong nilalang kaya kahit mismo kaming magkakapatid eh hindi naniniwala sa mga ganyang pangitain. Nagkataon lang na meron sa aming tahanan at nakasanayan na naming nandyan sila.
-------------
Mahilig ako noon maglaro ng Table Tennis at dahil sa laro na ito ay may mga nakilala kaming mga kaibigan na mahilig din sa ganitong sport. Dito namin nakilala ang aming bagong kaibigan na babae at dahil narin sabik sa mga bagong kapamilya eh itinuring na namin siyang parang tunay na kapatid. Sa bahay namin siya noon nagpapalipas ng oras, nagkukuwentuhan , nagtatawanan at kung minsan naman ay namamasyal kasama sya.
Ala-una ng madaling araw, tulog na lahat ang mga tao sa bahay. Habang nagbabasa siya sa tabi ng hagdanan eh may naaninag siyang nakatingin sa gawing kaliwa mula salamin. Sa kanyang pag-aakalang kapatid ko ang kanyang naaaninag eh tinignan niya ito sa salamin at laking gulat niya na isang batang lalaki na naka upo sa hagdan na pinagmamasdan siya. Sa gulat nilingon niya ito sa hagdan at wala siyang nakitang nakaupo at takang taka kung sino ang batang nakita nya at ng lingunin niya ulit ito sa salamin ay hindi na niya ito nakita. Sa takot kinuha niya ang kanyang binabasa at pumasok na sa kuwarto at natulog. Kinabukasan ay ikinuwento niya ito sa amin at sinabing hinding hindi na siya magpapalipas ng gabi sa bahay dahil narin sa takot.
--------------
Ito ang mga Kuwento na aming itinatago sa karamihan dahil alam naming may mga tawa at panghuhusga sa aming mga kalinangan sa mga ganitong klaseng istorya ng buhay. Ganun pa man ilan lamang ito sa mga pahina ng aming nakaraan na hinding hindi namin makakalimutan at kahit saan man kami maparoon ay masasabi ko parin na....
"Bahay ko to, Bahay namin to"
tuloy po kayo.......

Linggo, Pebrero 19, 2012
"Panahon Lamang Ang Lumilipas"
Nakaupo ako noon sa isang malaking bangka na naka taob sa pampang ng ilog. Habang pinagmamasdan ang mga water lily na dahan dahang inaanod ng matiwasay na alon. Rinig ko rin ang mga dasal ng simbahan sa hindi kalayuan. Alas-tres ng tanghali , hindi nanaman ako nakatulog. Hindi ko talaga gusto ang matulog pagdumarating na ang ala-una ng tanghali kaya lagi ako tumatakas sa aking lola at tita at nagtatago sa gilid ng ilog habang inaaliw ang sarili sa mga gunita ng nakaraan. Madalas ko noon ginagawa ang humiga sa mga tuyong dahon ng kawayan. Nakatingin sa himpapawid habang pinagmamasdan ang mga sanga na sumasayaw kasama ang mga ibon kung saan ang mga dahon nito ay unti-unting nalalaglag sa aking tabi.
May mga puno sa aming probinsya noon na kung tawagin namin ay mansanitas at kamatsile na nasa gilid ng ilog. Noon sa lugar kung saan ang bakasyon ay binabalot ng katahimikan at madalas ko nakikita ang mga batang tulad ko na naliligo sa ilog tuwing tanghali. Ang paglipas ng aking oras ay nagiging masaya kapag sumasama na ako sa kanila.
Dito ako natuto kumain ng paksiw na may sari-saring huling isda mula sa ilog. Sariwang sariwa mula sa lambat na maghapong huli . Telebisyon ang libangan ng mga matatanda sa bahay at madalas ay basketbol ang laman ng kanilang pinapanood. Kaming mga bata naman ay madalas magkwentuhan ng mga masasayang pangyayari na nagawa namin sa buong maghapong pamamasyal at paliligo sa ilog.
May mga bagong subdivision na itinayo sa di kalayuang mga bayan. May mga bagong proyekto na tulay at kalsada ang aming mga punong bayan. May mga naisarang maliliit na irrigasyon at gumawa ng mga bagong kapalit nito. Kung saan ang mapa ng mga patubig ay naiba sa pagdaan ng mga panahon. Kung paano nagkaroon ng buhay ang isang ilog ay doon din ito nagkaroon ng kahinaan sa kanyang pag-alon. Ang mga daanan ng kanyang mumunting pagkabuo ay unti-unti narin nawawalan ng pag-agos. Kinain ng lupa ang kanyang paghinga na minsan pa niyang diniligan ng biyaya upang tayo ay makinabang. Nakakalungkot isipin na kung kailan naging malusog ang kanyang nasasakupan ay naging sakim ang mga ito hanggang siya'y tangalan ng pagpapahalaga.
Dumaan ang ilang bakasyon at ang ilog na nagsilbi naming kalaro, ang ilog na nagsilbi naming sumbungan kapag nasasaktan at ang ilog kung saan minsan pa namin ibinulong ang aming mga pangarap ay unti-unti ng humupa sa pag-alon. Hanggang ang buong buhay nito ay lumubog kasama ng kanyang ganda at yaman sa ala-ala.
Sa ngayon lagi ko naaalala ang nakaraan kapag nararamdaman ko ang katahimikan. Bakit kaya hindi ko makalimutan ang mga sandali na lagi kong ginagawa sa tuwing namamasyal sa tabing ilog noon? Ang ala-ala sa ilog kung saan ibinigay sa akin ang kahulugan na laging masaya ang bukas ay hinding-hindi ko makakalimutan.
"Ang sarap mag bigay halaga sa mga lugar na doon tayo una natutong mangarap. Dahil alam natin na panahon lamang ang lumilipas ngunit ang totoong kahalagahan ng nakaraan ay hinding hindi mawawala sa bawat isa sa atin."

Biyernes, Pebrero 10, 2012
"Tama Na Yung Ganito"
Maalikabok ang kalsada, aaminin ko sa ganitong lugar ako natutong mag-isa kung saan inilayo ako sa aking tunay na kapamilya. Dito ko naranasan kumain sa hapag kainan ng walang kasama, dito ko rin napagmasdan ang buong maghapon habang nakaupo lang sa hagdanan ng bahay at dito ko rin minahal ang ulan habang mag-isang naliligo at niyayakap ang mga patak na animo'y ako lang ang tao sa mundo.
Sa lugar kung saan nakilala ko ang totoong kalungkutan. Dito ay palagi ko naitatanong kung bakit nila ako tinuruan maging mag-isa? Ang mga lungkot ay ginawa akong alila sa loob ng ilang taon. Halos maawa ako sa aking sarili dahil ang buhay na alam kong malaya ay naging panakip sa isang tahanan na walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng iba.
Uso dito ang galit-galitan at uso rin dito ang simba-simbahan. Wala akong hiniling noon sa Diyos kundi pasayahin niya lahat ng tao sa lugar kung saan ako ikinulong. Kung saan ang pagiging tao ay hindi tulad sa nakagawian ko.
"May mga taong naiinis sa akin, dahil sa tuwing sumasagot ako sa kanilang mga tanong ay palaging totoo."
Hindi ko maintindihan kung bakit bawal ang matulog kung pwede naman humiga nalang muna ako dahil pagod na pagod sa mga utos ng mga hari at reyna. Wala akong kasalanan sa kaharian ng kinikilala nilang Diyos , bakit kailangan ako ang parusahan sa mga bagay na hindi nila lubos naiintindihan, ang pang-uunawa.
Nangyari na ang lahat, wala ng mababago sa nakaraan. Hindi ako marunong magtanim ng sama ng loob dahil para sa akin sasama lang ang loob ko kung pati sila ay iintindihin ko pa.Tama na yung ganito, iba na ang mundo na tinatahak ko kasama ng aking mga totoong kapatid at kapamilya. Matagal na nilang tinangal ang parte ko sa buhay nila kaya wala na ako dapat ibigay na parte ko na para sa kanila. Nagpapasalamat parin ako dahil tinuruan din nila ako kung paano maging matatag at binigyan ng pagkakataon na mahagkan ang aking totoong pamilya.

Biyernes, Enero 27, 2012
"Liham Ni Ako"
Mahal kong si kayo,
Noong una hindi ko inakala na magiging ganito ang lahat, mga inaasahang pagkakataon na hindi ko narin nakita sa mga bagay na gusto ko maging ganito sa kanila. Mahirap umasa sa mga bagay na alam mong hindi na magiging maayos dahil sa mga taong mapagmalabis at mapagmataas. Kung uulitin lang sana ng panahon ang lahat, sana ay naipaliwanag ko ng mabuti na hindi dapat ganito dahil mawawala ang totoong mundo ng pagkakaisa.
Sumpit ng tubig gaya ng ulan , buhangin na mula sa batong hinagis sa kalangitan, maikukumpara mo pa ba ang sakit at hapdi ng pagbagsak nila sa mga palad na nagaasam ng masmalaki at masmasaganang bukas?
saan ba nanggagaling ang pangarap na upos lang ang may gawa? Unti-unting inuubos ng matatalim na hanggin na hindi na kayang mabura. Labag man sa kalooban ang paglisan ng isang buong pagkakaisa alam ko na pinipilit parin ng bawat isa na maging bugkos muli ang nasirang bagwis na gagamitin sana sa pag palaot ng mga pangarap.
Hindi na tayo ang noon alam nyo yan, alam ko ramdam nyo narin na ibang-iba na ang mundo natin ngayon. Nagkikibit balikat nalang dahil sa mga naririnig na kawikaan na sa ibang mundo ka na pala nagmula.
"Ang paghahangad ng pagbabago ay nagmumula sa pagkakamali bago natin malaman na hindi ito ang tamang sandali"
Kung aapak ka sa putik hayaan mong mabasa ka ng tubig at kung mabibilad ka sa araw hayaan mong madaanan ka ng mga ulap sa pagsilong na bahag. Ang pag-iipon ng mga dahon imbes na ang bunga sa punong kinagisnan ay hindi nakakatuwa at ang pagbibilang ng ibon sa pugad na puro itlog ay sobrang nakakabura ng respeto sa kakayahan ng iba. Huwag mo subukan ipagpalit ang langit sa lupa kung ang pangarap mo lang naman ay maiba. Wala namang may kasalanan, bakit kasi hindi kayang apakan ang patag upang maayos na ang lahat.
Bukas sa paglipad ng aking liham asahan nyong matatagalan sa pagbaybay ng himpapawid sa labas ng bintanang pangkalahatan. Kung kailanman ito makakarating sa kanila ay hindi ko alam at dahil nga isa ako sa mga umaasa ng pagkakabuklod-buklod muli ng bawat isa alam ko na makakarating din ito sa puso ng bawat isang nangangarap ng pagbabago na may pagmamahalan.
Nagmamahal,
si Ako.....

Huwebes, Enero 5, 2012
"Oo Masaya Ako Pero Sila Hindi Pa"
Simple lang naman ang buhay ko, maaring masasabi ko na wala naman akong problema sa pera, sapat lang upang maging simple ang buhay na tinatamasa ko ngayon.
May mga taong hindi mo makikita sa panlabas na kaanuyan ang estado sa buhay, hindi mo makikita ang ugali ng tao sa pagtatanong lamang ng kanyang pangalan.May mga taong nagsasakripisyo kahit kapalit pa nito ay kanyang buhay para lamang matapos ang piniling propesyon para sa kanyang piniling grupo at paglingkuran ng buong puso. Ang pagnanais na mapagmalaki sila ng mga nasa itaas at mabigyan nila ng kasiyahan at balang araw ay sabihin ang mga katangang ,
"Nandito na po kami upang maglingkod sa inyo, buong puso at buong katapatan."
Nakalulungkot isipin na ang mga bulong ay hanaing na may puot at pagkadismaya, mga pakiwaring,
"Kasama nila kami bakit parang kami pa ang kaaway?"
"Sila nga!" (pakiwari ng sundalo)
"Silang nasa itaas, sana naging masaya sila"(Napayuko nalang siya at nagbigkas)
"Hindi kami mauubos sa gera ngunit ang iba sa amin ay mawawala dahil sa bulok na sistema.Sistemang hindi naman dapat,Sistemang wala namang kahihinatnan kundi galit at pagbaba ng moral."
Tumingin sa akin ang sundalong puno ng puot at lungkot at sinabi nya sa akin,
"Nung natapos ako ng pag-aaral niyakap ako ng aking ama at ina, naging masaya ang aking mga kaibigan at naging proud ang aking mga kapatid, pero dito ay iba.. ibang -iba ang idolohiya, nang natapos ako sa pag-aaral nagalit sa akin ang aking mga kapatid, Hindi kami napansin ng aming mga magulang at ni isa walang tumangap sa akin na maging isang kaibigan."
"Sila pa naman ang pinangarap namin maging kami para bukas."
Ang sundalong nakausap ko na hindi ko manlang natanong ang kanyang pangalan ngunit nakita ko ang lahat ng kanyang pakiwari na sana marinig sya kahit walang bibig. Tumayo at umalis sa pagkakaupo at bago pa sya makalayo pilit kong inihabol ang tanong na
"Masaya ka ba?" ...
Napahinto sya at lumingon sa akin , malungkot man ang kanyang mga mata ay mayroon parin konting ngiti sa labi habang sinasabi ang mga katagang.
"Oo, masaya ako, pero sila hindi pa".
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)