Sa bawat hakbang ng ating mga paa, sa bawat sulyap ng ating mga
mata sa bagong umaga at sa bawat pagpapahalaga na alam nating tama hindi tayo natinag sa paninira ng iba kahit ang ilan dito ay galing sa sarili pa
nating kaibigan at kasama.Wala tayong pinipiling panahon kung kailan tayo
maglalaan ng panguunawa, wala tayong gustong sayangin na oras basta lang
makatulong tayo sa ating kapwa. Hindi natin natutunan
ang maging sakim sa kapangyarihan kaya nga hanggang ngayon bilib parin
ang ilan sa ating katatagan at serbisyong totoo. Hindi natin pinili ang
maging mapagmataas lalo na sa mga taong alam natin na ngangailangan ng
kalinga at tulong na galing mismo sa puso dahil ang pagiging matulungin
ay likas na sa atin na ipinanganak na may tatak ng bandilang Pilipino.
Hindi tayo pare-pareho ng pinaghuhugutan ng lakas, wala tayong hangin na kung
tawagin nila ay kayabangan. Mas gugustuhin pa nating madagdagan ang
ating kaalaman kaysa magpangap na maraming alam. Ang mga oras na ginugol
natin ay hindi ganoon kadali, sakripisyo para sa mga mahal sa buhay at mga
kapatid habang ang iba naman ay pilit ikinukumpara ang sarili sa ating
kakayanan. Sanay na tayo batuhin ng mga batikos kaya nga tayo lumalakas
pag nandyan ang mga taong walang magawa kundi pumuna imbes na gumawa at
kumilos na naaayon sa kanyang uniporme.
Sa mga
paraan na naiiba tayo sa karamihan hindi natin ginamit ito upang
makapanglamang sa kapwa. Sino ba ang lumalamang? sino ba ang
nagmamataas? hindi natin masasagot yan, kung baga sa bato kung sinong
tamaan ay siyang masasaktan at kung saan ang masakit ay pilit itinatago at
nagkukunwaring hindi tinatamaan. Bato ng isang masakit na katotohanan,
matatalim na mga salitang di kayang maiwasan. Inilalagay ang sarili sa
nababasang kataga kaya tuloy ang bato-bato sa langit lahat ay nasasalo
at ramdam ang pukol ng isang mabigat na katotohanan.
Dahil ang bawat talata at kuwento ng isang pagkatao ay unti-unting
nilalapat sa pahina ng ating buklod na libro sa pangkalahatang bintana
tungkol sa mga pinagdaanan nang iilan sa atin. Ang bawat kuwento ay
walang pangtukoy na kung sino at kailan, ngunit ang mga aral ay
kabuluhan ng ating pagkakakilanlan. Tayo, ikaw at ako, basag na pagkatao yan ang iniiwasan ng ilan sa atin ngunit ang ating panimula ay simbulo lamang ng pagpapatunay na
"Hindi lahat ng panahon ay mabubuhay tayo sa mga kuro-kuro dahil ang pag-iisip ng mga tama sa mali ay laging idinidikit sa salitang prinsipyo."
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento