Lagi kitang namimiss
Sa tuwing tumatawid ako ng kalsada ay lagi kong nakikita ang iyong mukha na naghihintay sa akin sa kabila.
Sa bawat pag-gising ko sa umaga ay naririnig ko parin ang iyong mga awit habang nakayakap ka sa akin.
Sa tuwing nakikinig ka ng aking mga kwento ay nandoon ang iyong atensyon sa akin.
Sa tuwing nagbibiro ako ay hindi ka nauubusan ng ngiti na nagbibigay saya sa akin.
Ang iyong mga titig sa hapag kainan hanggang maubos ko ang mga butil ng kanin.
At sa tuwing naglalakad tayo ng sabay ay hinahabol mo ang aking mga kamay at aakbay sa akin.
Namimis ko na yun .....
Ang iyong paghinto hanggang hindi ako nakakatawid
Ang iyong mga awit kapag ako ay nagigising.
Ang iyong pakikinig sa aking mga kwento at ala-ala
Ang iyong mga biro upang ako ay matawa
Ang iyong mga tingin habang ako ay kumakain
Ang iyong mga akbay habang tayo ay naglalakad
Lagi kitang namimiss
Totoo yun...
Lagi kitang namimiss...
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento