May bahay...
May hagdan...
May bintana...
May pinto...
Ala-ala..... 1984 sa Pangasinan... Halos mabura na ng panahon ang aking mga ala-ala, kung paano ako lumikha ng mga ngiti noon ay unti-unting inagaw sa akin ng kahapon. Marahil ang mga gunita ng aking malayong nakaraan ay kayamanan nalang ng mga taong bumubuo ng mundo ko noon.
Gasera...
Mukha....
Si lola...
Natatandaan ko pa ang lamesa na may gasera at handa na ang pagkain sa hapagkainan.
Dahon ng mga kawayan, basang lupa at sariwang hangin ang mga imaheng naglalaro sa likod ng aking isipan. Dilaw ang paligid dahil sa takip silim. Tahimik at mayumi ang mga tunog ng tubig.
Hanggang dito nalang talaga ang kaya kong balikan sa taon na iyon. Patawad at ito nalang talaga ang kaya kong isanaysay sa inyo....
Lumang bahay...
Lumang hagdan...
Lumang bintana...
Lumang pinto...
Salamat lumang ako...
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento