"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"

Biyernes, Enero 27, 2012

"Liham Ni Ako"

Mahal kong si kayo,

Noong una hindi ko inakala na magiging ganito ang lahat, mga inaasahang pagkakataon na hindi ko narin nakita sa mga bagay na gusto ko maging ganito sa kanila. Mahirap umasa sa mga bagay na alam mong hindi na magiging maayos dahil sa mga taong mapagmalabis at mapagmataas. Kung uulitin lang sana ng panahon ang lahat, sana ay naipaliwanag ko ng mabuti na hindi dapat ganito dahil mawawala ang totoong mundo ng pagkakaisa.

Sumpit ng tubig gaya ng ulan , buhangin na mula sa batong hinagis sa kalangitan, maikukumpara mo pa ba ang sakit at hapdi ng pagbagsak nila sa mga palad na nagaasam ng masmalaki at masmasaganang bukas?
saan ba nanggagaling ang pangarap na upos lang ang may gawa? Unti-unting inuubos ng matatalim na hanggin na hindi na kayang mabura. Labag man sa kalooban ang paglisan ng isang buong pagkakaisa alam ko na pinipilit parin ng bawat isa na maging bugkos muli ang nasirang bagwis na gagamitin sana sa pag palaot ng mga pangarap.

Hindi na tayo ang noon alam nyo yan, alam ko ramdam nyo narin  na ibang-iba na ang mundo natin ngayon. Nagkikibit balikat nalang dahil sa mga naririnig na kawikaan na sa ibang mundo ka na pala nagmula.

"Ang paghahangad ng pagbabago ay nagmumula sa pagkakamali bago natin malaman na hindi ito ang tamang sandali"

Kung aapak ka sa putik hayaan mong mabasa ka ng tubig at kung mabibilad ka sa araw hayaan mong madaanan ka ng mga ulap sa pagsilong na bahag. Ang pag-iipon ng mga dahon imbes na ang bunga sa punong kinagisnan ay hindi nakakatuwa at ang pagbibilang ng ibon sa pugad na puro itlog ay sobrang nakakabura ng respeto sa kakayahan ng iba. Huwag mo subukan ipagpalit ang langit sa lupa kung ang pangarap mo lang naman ay maiba. Wala  namang may kasalanan, bakit kasi hindi kayang apakan ang patag upang maayos na ang lahat.

Bukas sa paglipad ng aking liham asahan nyong matatagalan  sa pagbaybay ng himpapawid sa labas ng bintanang pangkalahatan. Kung kailanman  ito makakarating sa kanila ay hindi ko alam at dahil nga isa ako sa mga umaasa ng pagkakabuklod-buklod muli ng bawat isa alam ko na makakarating din ito sa puso ng bawat isang nangangarap ng pagbabago na may pagmamahalan.

Nagmamahal,
si Ako.....

0 (mga) komento: