"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"

Huwebes, Enero 5, 2012

"Oo Masaya Ako Pero Sila Hindi Pa"

Simple lang naman ang buhay ko, maaring masasabi ko na wala  naman akong problema sa pera, sapat lang upang maging simple  ang buhay na tinatamasa ko ngayon. 

May mga taong hindi mo makikita sa panlabas na kaanuyan ang  estado sa buhay, hindi mo makikita ang ugali ng tao sa  pagtatanong lamang ng kanyang pangalan.May mga taong nagsasakripisyo  kahit kapalit pa nito ay  kanyang buhay para lamang matapos ang piniling propesyon para  sa kanyang piniling grupo at paglingkuran  ng buong puso. Ang  pagnanais na mapagmalaki sila ng mga nasa itaas at mabigyan  nila ng kasiyahan at balang araw ay  sabihin ang mga katangang ,

"Nandito na po kami upang maglingkod sa inyo, buong puso at  buong katapatan."
    
 Nakalulungkot isipin na ang mga bulong ay hanaing na may  puot at pagkadismaya, mga pakiwaring,

"Kasama  nila kami bakit parang kami pa ang kaaway?"

 Pilit ko binabasa ang puso ng isang sundalong nakayuko at  nagtatanong na hindi kayang bigkasin ang mga salita, hindi  maisulat ang mga opinyon dahil bukod sa walang bibig ay wala  naring paa at mata. Mabigat sa akin ang pakiramdam ng nag-iisa  at nag-iisip na paano na kaya sila?. matutulungan ko ba sila?  oh isa narin ako sa mga sundalong hindi kayang gamitin ang  kamay , paa, bibig at mata. Tumingin ang sundalo sa itaas at  nakita niya,

"Sila nga!" (pakiwari ng sundalo)
     "Silang nasa itaas, sana naging masaya sila"(Napayuko nalang siya  at nagbigkas) 
"Hindi kami mauubos sa gera ngunit ang iba sa amin ay mawawala  dahil sa bulok na sistema.Sistemang hindi naman dapat,Sistemang  wala namang kahihinatnan kundi galit at pagbaba ng moral."
  
Tumingin sa akin ang sundalong puno ng puot at lungkot at  sinabi nya sa akin,

"Nung natapos ako ng pag-aaral niyakap ako ng aking ama at ina,  naging masaya ang aking mga kaibigan at naging proud ang aking  mga kapatid, pero dito ay iba.. ibang -iba ang idolohiya, nang  natapos ako sa pag-aaral nagalit sa akin ang aking mga kapatid,  Hindi kami napansin ng aming mga magulang at ni isa walang  tumangap sa akin na maging isang kaibigan."

"Sila pa naman ang pinangarap namin maging kami para bukas."


       Ang sundalong nakausap ko na hindi ko manlang natanong  ang kanyang pangalan ngunit nakita ko ang lahat ng kanyang  pakiwari na sana marinig sya kahit walang bibig. Tumayo at  umalis sa pagkakaupo at bago pa sya makalayo pilit kong  inihabol ang tanong na  

"Masaya ka ba?" ... 

Napahinto sya at lumingon sa akin , malungkot  man ang kanyang  mga mata ay mayroon parin konting ngiti sa labi habang sinasabi  ang mga katagang. 

"Oo, masaya ako, pero sila hindi pa".

0 (mga) komento: