Sa panahon ng tag-ulan hindi naman ganoon ka delikado sa lugar namin pagdating ng mga pagbaha. May mga mangilan-ngilan lang na eskenita ang lumulubog sa tubig. Na aalala ko pa noong panahon kung saan ang mga eskenita ay mga daanang kahoy pa lamang. Ang mga bahay ay nakatung-tong sa kahoy na paa. Maduming tubig at basura ang maaaninag mo sa ilalim ng mga kabahayan at pag-inabot ka ng kamalasan at nalaglag ang mga barya mo wag mo na itong tangkaing kunin dahil mas mahal pa ang pampagamot kesa sa mga baryang nalaglag mo.
Ang malalakas na bagyo noon ay hindi namin kinakatakutan. Sa tulad naming mga bata ang ulan ay paraisong dumadalaw mula sa kalangitan. Makikita mo kaming naglalaro sa kalsada kung saan ang imahinasyon sa aming pikit mata ay iniisip ang malamig na waterfalls na dumadaloy sa alulod ng mga bubongan. Ang mga ulan sa yero ay nagsisilbing shower sa gilid ng bahay. Sa bawat takbo at tampisaw sa ulan at laruang bola, ang aming pakiramdam ay walang katapusang saya sa ilalim ng ulan. aabutin kami ng mga kalahating oras sa paglalaro sa ulan at ang mga magulang ay sumisigaw na ng
" Uwi na! baka magkasakit kayo!"
Pag-uwi sa bahay nakapila sa banyo ang mga babae at ang mga lalaki naman ay sa kusina nalang naliligo. hindi naman problema ang magtampisaw sa kusina namin dahil meron kaming lugar kung saan pwede maligo kung saan may maliit na kanal sa ilalim ng lababo.

Matapos maligo maaamoy mo ang Mainit na sopas ni mama na madaming karne ng manok at carrots! Habang lumalakas ang ulan kasabay ng paglubog ng araw kami naman ay abala sa pagkuha ng sopas. Masasabi ko na marunong naman magluto ang mama ko kahit na may mga ibang version siya ng sopas tulad ng "sopas na may sago" at "leche plan na parang tortang itlog lang". Dahil maagang nakaligo at maagang hapunan derecho na lahat sa kuwarto. Walang nanonood ng TV dahil baka tamaan daw kami ng kidlat.
Sa lalim ng gabi nagigising ako sa tunog ng kulog at liwanag ng kidlat. Ang huni ng hangin ay sumisipol sa lakas ng hagibis ng bagyo. Hindi ako nakakatulog dahil nag-aalala ako sa bubongan ng bahay namin. Napapabangon ako at tumutungo sa sala. Ang mga tulo ng ulan mula sa butas ng aming bubongan ay nilalagyan ko ng tabo, batsa, pitsel at kung anu-anong container. Lingid sa kaalaman ni mama alam kong gising sya at tinitignan niya ako mula sa maliit na bintana sa kwarto na tanaw ang sala habang naglalagay ako ng mga pangsalo sa mga tulo ng ulan.
Sinubukan kong buksan ang pinto para dungawin ang labas. Tanawin ang kalsada na baka bumabaha na pala. Sa pagsilip ko sa labas sumalubong agad sa akin ang malakas na hangin at anggi ng ulan. Mula sa bagyong nag ngingit-ngit na parang naiinis kung bkit sya pinangalanang babae eh kasing lakas nya ang tulad ng isang lalaki. Binabato ang tanong na " hindi nyo ba ako nararamdaman?". Habang palinga-linga sa labas ng pinto napansin kong hindi naman bumabaha sa kalsada. Malakas lang talaga ang hangin at kakaunti lang ang patak ng ulan.

Bumalik na ako sa aking pagkakahiga at hindi parin ako makatulog, marahil ako lang kasi ang lalaki sa bahay namin nung mga oras na iyon. Ang kapatid kong panganay na lalaki ay nasa ibang bansa at ang aking kapatid na bunsong lalaki naman ay nasa tahanan ng aking lola at samantala ako eh nasa amning tahanan kasama ang aking tatlong kapatid na babae at si mama. Apat na babae ang kailangan kong proteksyonan dahil malamang ako ang hahabol ng bubong namin kapag tinangay ito ng bagyo. Tumigil ng bahagya ang hanggin at umihip ng mapayapa at kasabay nito ang pag-agaw ng antok sa aking ulirat. Babalik sa pagkakahiga at unti-unting nakakatulog at agawin na ng panaginip.
Sa ngayon nakabukod na ako sa aking mga magulang at kapag may dumarating na bagyo nagigising parin ako sa madaling araw at paminsan minsan ay napapabangon ako sa aking pagkakahiga.
Napapaisip " kamusta na kaya sila?"
Uupo ng mga ilang minuto at hihiga ulit sa aking kama. Ipipikit ang mga mata, unti-unti ako bumabalik sa totoong mundo na kung saan wala na palang butas na kailangan kong lagyan ng tabo, pitsel, at batsa upang saluhin ang mga tubig mula sa tulo ng aming bubungan. Wala narin dito ang aking mga kapatid na babae dahil lahat sila ay may mga sariling buhay na at tinataguyod ang kanya-kanyang buhay at pangarap. Wala narin dito si mama na nag-aalaga sa amin dahil nasa ibang bansa na sya kasama ni papa.
Maaga pa ako bukas dahil may trabaho pa at kailangan ng magpahinga. Isang bagong araw nanaman ang aking lalapatan ng kwento ng buhay kung saan baon-baon ko ang mga ala-ala ng kahapon na minsan pa naming nginitiang magkakapatid at binigyan ng pagpapahalaga.
Tulog na......

0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento