"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"
Biyernes, Setyembre 3, 2010
Sa Aking Bawat Hininga
Oct 24, 2003
Sa pagkaka-unawa ko sa lahat ng bagay sa mundo
Kukulangin pa ba ang mga nais at pangarap ko
Kung ang ibinigay ng langit ay isang katulad mo
Na magiging katuwang at magiging sandalan ko
Sa kung saan at kung ano mang kadahilanan
Ang landas ng buhay ay nagiging isa nalang
Ang bawat hakbang ko sa gilid ng dalampasigan
Ay iyong yakap sa aking mga bisig ay hagkan
Masaya at nagpapasalamat sa iyong pagdating
Ang kapalaran ko’y iniba sa isang saglit na dalangin
Paglalakbay mo sa panahon sa puso ko’y nakarating
Sa di ko inaasahan at napipintong damdamin
Malawak pa ang bukas at ngayon ay nag simula
Ang aking damdamin ay muli nanaman naka dama
Nang ligaya sa pag-ibig na sayo ko kinukuha
Sa lubos kong pasasalamat ikaw sa akin ay mahalaga
Salamat mahal ko sayong puso na busilak
Sa ating pagmamahalan na di minsan binalak
Ngunit ngayon ay masagana parang ginto at pilak
O higit pa sa bulaklak sa taglay nitong halimuyak
Ang buhay ng tao minsan may hadlang at mahina
Ngunit sa aking pag bangon ikaw ang nagkalinga
Ibibigay ko ang buhay hangang sa huling pahina
Sumpang di magbabago sa aking bawat hininga
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento