"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"
Biyernes, Setyembre 3, 2010
Kayamanan din pala
Masaya naman ako kapag kasama ko sila
Kaya nga hindi ko kaya pag ako lang mag-isa
Samahan na di maiiwanan sa mundo ko nagmula
Tawanan ng barkada minsan ako ang may gawa
Mahirap bang intindihin kung gusto ko ng karamay
Mahirap mangyari kung hindi marating ang tagumpay
Ugoy ng panahon sa akin ay walang malay
Pinilit kong magising na hindi ganito ang buhay
Napunta ako sa dapat kong paglagyan
Nang ako ay mawalan ng susi sa kayamanan
biglang na intindihan na hindi nga ako mayaman
iisa lang ang kulay kung ako’y walang kaibigan
hatid ng mga ambon sa isip ko’y nagtatanong
sila ba ang kayamanan na dapat kong maging gulong
dumarating ang ulan at para bang may binubulong
kailangan ko ng pag-ibig na sa akin ay papayong
matagal tagal na rin ng ako ay huling umibig
may agiw na ang puso at wala naring tinig
kaya nagulat ako nang biglang pumintig
kay sarap ng init ng mawala ang lamig
akala ko ay kalokohan lamang ang pag-ibig na ganito
basura lang ang lahat at hindi dapat mabuo
puso at damdamin nagtataka at biglang nagulo
dapat bang ibigin at maging tapat lamang sayo
pinatunayan ng panahon lahat ng mga akala
nang ako ay magising nasa akin ka na pala
totoo lahat ito at ako nga ang may dala
nang puso mo sa puso ko na sa akin pinagpala
ngayon ay alam ko na kung bakit minahal kita
hinahanap-hanap lagi ang iyong mga tawa at saya
ang isang tulad mo’y pagmamahal sa akin ang dala
at ang ibigin ka’y “kayamanan din pala”
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento