Kuya Chai:
pare balita?
Kumpare:
pare malungkot ako........................ sobra
Kuya Chai:
bakit pare anong problema?
Kumpare:
misis ko nag-ibang bansa na upang mag trabaho
Kuya Chai:
ganun ba? ... hmmm malungkot nga yan
kung minsan talaga hindi natin maiiwasan ang mga ganyang pagkakataon
Kumpare:
gusto ko umiyak pare
Kuya Chai:
gaya nga ng nasabi ko sa article ko,
"Hindi ako naniniwala sa simpleng pangarap dahil alam ko lahat tayo ay nangarap ng
masmaganda para sa mga mahal natin sa buhay, nangarap tayo hindi para maglakad papunta
sa gusto natin kundi para lumipad at makita ang magandang maibibigay ng bukas hindi lang para sa
isa kundi para sa lahat na umaasa sa ating pagbabalik."
Kumpare:
tama na pls maga na ang mga mata ko.
Kuya Chai:
natural lang yan.. ang maging malungkot
kung minsan kailangan talaga natin maging matibay
hindi para sa ating kapakanan
kundi para sa mga umaasa sa ating tibay ng loob
kailangan tayo ang malakas dahil may mga taong humuhugot din ng lakas sa atin
isipin mo nalang saan sila huhugot ng lakas kung tayo mismong inaasahan nila upang maging
malakas ay nahihirapan
"natural ang umiyak pero natural din naman ang maging malakas para maging malakas din ang mga
taong nagiging malakas dahil sayo"
... gaya ng mga anak mo at gaya din ng asawa mo
magsisimula ang lungkot sa bawat haligi ng bahay na nakikita mong nandun sya , mga ala-ala na
hindi naman natin sinasadya khit ayaw natin isipin upang hindi na tayo malungkot
ngunit di ba masmaganda kung magiging buhay ulit ang bawat araw at maging masaya dahil alam
natin sa kanyang pag-alis ay panimula ng magandang buhay para sa inyong mag-anak... sabi nga ng
iilan sa atin
" mahirap maging mahirap ngunit para sa akin "mahirap ang maging mahirap na walang
pangarap"
Kuya Chai:
ipadama mo sa bawat isa ang totoong hangarin ng kanyang pag palaot,
tibay ng loob at panalangin na sana ay nasa mabuti siyang kalagayan,
dasal ng pasasalamat parin sa panginoon ang ating kailangan dahil lahat ng bagay ay may dahilan at
lahat ng dahilan ay may magandang bagay na pupuntahan basta ang Panginoon ang ating Sandigan
Kumpare:
Salamat pare tatandaan ko lahat yan....
Kuya Chai:
Salamat din sa pakikinig sa payong kaibigan .... God Bless...
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento