Yung mga araw sa paaralan na halos hindi na natin kilala ang bukas, ang mga panahon na ang pagkakakilanlan sa isa't isa'y tunay na kapatid at kaibigan. Ang mga yapak at yabag na unang narinig sa unang pagkakataon sa loob ng mga haliging pinapangarap na maging isa sa kanila, mga adviser o guro na nagtiis at nangaral sa bawat isa. Walang oras na hindi tayo masaya at walang oras na hindi tayo kinabahan dahil ang bawat minuto ay dama sa balat at pakiramdam. Naaalala mo pa ba ang mga maiingay na kuwentuhan at halos gusto mong tumayo at pagbawalan sila? Ang mga tawanan na di mapigilan dahil sa mga kaibigang malalakas ang loob o mga kasamahan na nataranta sa mga utos at hagubilin? Masaya ang panahon na iyon, kung saan tayo ay ibinalik sa isang kuwadrong puno ng desiplina at karunungan.
“Dito hindi lamang pera ang maaaring tawaging salapi at hindi lang ginto ang maganda at mahalaga, "Kaibigan" ganyan ang pader ng aming samahan, tiwala ay higit pa sa lahat ng yaman sa mundo.”
Ang mga oras natin noon ay walang hanggang kayamanan na yaman, personal at espiritual , edukasyon at lakas ng loob ang dala-dala sa mga panahon na nag-aalay tayo ng pagpapahalaga. May mga sari-sariling kakayahan , may mga kanya-kanyang kahinaan at kahusayan, naging buo tayo sa paraan ng ating sariling samahan, naging ako ang ako at ganun din ikaw. Nakita natin ang limitasyon ng bawat isa, ang baho ng bawat ugali at kulit na tinatago.
Walang Araw sa buhay natin na hindi natin hiniling na " sana ay ganoon ulit ngayon kahit isang araw lang" .Ang bawat paglipas ng panahon at pag laglag ng dahon sa puno na minsan pa nating sinilungan at pinagpahingahan ay tulad din ng pag-papaalam sa isat-isa ng ating mga matatalik na kaibigan at kakilala. Mga bagong mukha , mga bagong pagkakakilanlan ay dumadating, gusto natin ipakita sa kanila ang kahalagahan nang ating samahan at kahusayan ng ating paraan upang maging-isa at maging matibay.
kung minsan daan ka naman kung nababasa mo ito, ibalik natin yung panahon na tayo lang ang nakakaintindi ng ating mundong ginagalawan, ang pagiging estudyante, magaaral at kasamahan, ang pagiging ikaw at ako, kapatid ko at kaibigang totoo.....
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento