Madaling araw....
Pasko nanaman.....
Katatapos lang ng aming masayang noche buena, sinubukan kong lumabas ng aming bahay at nagbakasakali na may mga kalarong makikita at mababati ng maligayang pasko. Paglabas ko ng aming maliit na gate nilingon ko ang mga kalsada at gaya ng dati wala akong nakita kakaiba bukod sa isang bagay. Mayroon lang akong napansin na kakaiba sa gabing iyon, isang mag-anak sa loob ng isang karton ng basura na nababalutan ng plastik at sa loob nito ay may liwanag ng isang gasera. Hindi ko pa noon naiintindihan ang estado ng pasko para sa mga taong tulad nila basta ang alam ko ang lahat ng tao sa mundo ay masaya tuwing pasko....
Habang palalim ng palalim ang gabi at palamig ng palamig ang paligid, inaagaw na ng katahimikan ang paskong matagal na hinintay ng lahat. Tinawag na ako ng aking kapatid upang pumasok ng bahay at kailangan ng matulog. Sa aking murang edad noon maaga ko naramdaman ang mga bagay na hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang bata. Wala akong salapi o anumang bagay na mahalaga na maaari kong maibahagi sa ibang pamilya kundi ang pagkakaunawa ko nalang na may mga tao palang ganito tuwing pasko. Ang mga panahon na kahit gaano karami ang saya at galak ng bawat isa ay may mga bagay parin na hindi kayang pagtakpan ng kasiyahan at tuwa.
Lumaki ako sa lugar kung saan ang mga tao ay nagdiriwang ng mga okasyon na kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at aaminin ko kung minsan dumaan din sa akin ang mga agam-agam na bakit wala si daddy tuwing pasko at kung nalulungkot ako dahil wala siya lalo na siguro ang sitwasyon nya noon dahil wala kaming lahat sa tabi nya sa araw ng pasko. Buti nalang laging nariyan si mama upang ipaliwanag sa amin ang mga bagay na hindi pa namin maunawaan noon na kung bakit kailangan umalis ni daddy para sa amin, kung bakit kailangan maging masaya at kung bakit kailangan maging matatag ni daddy para sa pamilya.
Sa paglipas ng mga pasko sa aking buhay mula noong gabing iyon kung saan nakita ko ang kabilang mukha ng pasko kung saan ang awit at himig ay mas malalim pa ang kahulugan sa pagkakaunawa ko na kung maibibigay ko lang sana ang pasko sa mga tulad nila at sa mga mahal ko sa buhay na nasa malalayong dako ng mundo upang kahit papaano ay maparamdam ko din sa kanila ang paskong meron ako.
Kung saan ang kayaman at kasiyahan tuwing pasko ay naiiba ang kahulugan at ang kahirapan at kalungkutan naman ay hindi nawawala sa mukha ng mga taong malayo sa kanilang mga minamahal. Ang iba ay salat sa buhay at umaasa na sana'y hindi lang sa pangarap ang pasko.
"Sa bawat ilaw na makikislap sa daan , sa bawat tunog ng mga pamaskong awitin at sa bawat kasiyahan na nais kong ipadama sa iba ay pilit ko paring hinahanap ang pakiramdam na hanggang kailan ba dadalhin ang mga tanong na kung maibibigay ko nga ba ang pasko?"
Maligayang Pasko Sa Ating Lahat......

0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento