Isa-isa ng pinapapasok ang mga bata na naglalaro sa kalsada, oras na para maligo at mag-ayus ng mga damit pantulog at mag-aral. Isa ito sa mga naiwang ala-ala sa aking kabataan, ang pagkakaunawa sa oras ng paglalaro at pag-aaral.
Tulad din ng mga nagdaang kabataan ang aking mga magulang ay dumaan din dito, ang panahon ng kasiyahan at kabarkada. Maliliit palang kami noon ay may mga gabi na maaga kaming pinapaakyat sa itaas ng bahay at pinapatulog ni ermat dahil sa may darating silang mga bisita. Maririnig mo ang malalakas na tawanan at kuwentuhan, ganyan sila lagi sa ibaba ng bahay at kung minsan ay napapasilip kaming magkakapatid kung anong meron kung bakit lagi sila masaya tuwing nagkakausap-usap.
Alak at Sigarilyo , sa mus-mos kong kaisipan hindi ko pa alam ang pangalan ng mga bagay na ito kung saan ang mga usok at alcohol ay akin nang naaaninag noong panahon ng aking pagkabata. Bihira ko makitang may mga ganitong bagay sa loob ng aming bahay dahil narin siguro na hindi talaga mahilig uminom ng alak ang aking erpat. Wala akong maalalang humithit sya ng sigarilyo ngunit ang usok at aroma ng alak ay akin pang natatandaan sa paligid ng aking ala-ala.
Gaya din ng ibang pamilya dumaan din sa madilim na yugto ng kwento ang aming masayang pamilya. Hanggang ngayon ay natatandaan ko pa ang mga sigaw ng mga pagtatalo, mga sigaw na halos mauwi sa pag-hihiwalayan at mga sumbat na
"NI MINSAN! AY HINDI MO AKO MINAHAL!"
Animo'y madamdaming yugto sa isang teleserye. Ang mga iyakan at hagulgol ng aking mga kapatid na hanggang ngayon ay malinaw ko paring natatandaan at naririnig sa aking isipan.
May mga panahon din na wala kaming kuryente, kandila at gasera lamang ang aming ilaw sa buong magdamag. Hanggang sa pagtulog katabi ang aking erpat madalas niyang ginagamit ang liwanag ng mga kandila at gasera sa pagpapatawa sa amin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga nakakatuwang hugis ng anino gamit ang kanyang kamay. Sa mga oras na yun tawa lang kami ng tawang magkakapatid habang nakahiga ang buong parte ng pamilya. Matatapos ang kulitan sa antok ng bawat isa habang si ermat naman ay abala sa pag paypay sa aming lahat.
Ang mga bagay na hindi ko gaano naiintindihan noon ay aking tinatandaan upang sa aking paglaki ay akin pang mababalikan ang mga ala-ala at kahit abutin man ng matagal na panahon ay akin paring mabibigyan ng mga kasagutan at hindi magiging multo ng kahapong kabataan. Ang kanilang pagpagbabago ay aming naramdaman dahil naging kami ang kanilang dahilan sa pagiging tunay na mga magulang.
Mga unos na dumaan sa aming pamilya, mga pagsubok na naging tulay upang maging matatag. Hanggang ngayon ay dala-dala parin namin ang tibay ng pundasyon ng bawat isa.
"Kung anong meron kami noon ay hawak parin namin hanggang ngayon,
ang sugat na pinagaling ng pagsubok at panahon,
ang determinasyong mabuhay sa alam naming tama,
ang pagbuo sa mga pangarap at pagtagpi sa aming mga punit na ala-ala."

0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento