Tinutulak ako ng aking pag-iisip, ang pag-aakala na ikaw ang aking nakita ay ibang tao pala. Natatakot magkamali ngunit ang mga panahon narin ang nagbigay sa akin ng pakiramdam. Hindi madalas maibigkas o maitanong ang mga bagay na nais ko malaman kung bakit sa ganitong sitwasyon lang ako nagiging pipi. Mabigat sa dibdib animo'y nakakulob na hangin. Gusto ko sana makahinga ngunit buntong hininga lang ang nagagawa.
Alam ko naman na hindi ako nagkamali, alam ko naman na hindi ako nagmadali. Ngunit bakit parang ako lang ang nasasaktan kapag nadarapa. Bakit parang ako lang ang napapaisip kapag nalilito. Maiintindihan ko naman lahat dahil pinili ko ang lahat ng ito. Hanggang nakahawak ang iyong mga kamay sa akin hindi ako bibitaw kahit nasasaktan.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento