Naghihilom palang ang lahat sa akin ngunit sa iba mag-uumpisa palang ako mawala. Natatandaan ko pa ang mga yugtong naging kuntento na ako sa aking mundong ginagalawan. Ang mga pangungusap ay malumanay na naibibigkas. Doon ko sinimulan mangarap, doon ko pinagpatuloy isipin ang aking mararating para bukas. At gaya nga ng takip silim ng magdamag nagiging makabuluhan lang ang maghapon kapag naiintindihan mo kung para saan ang mga pahinang ginuggol mo sa buong araw.
taon at halos kalahati ng aking buhay ang inilaan ko sa mga tao na walang ibinigay sa akin kundi mga pangaral na hindi rin naman nila gusto. Nagpapakaalipin ako sa mga sigaw at alingawngaw ng kanilang mga dikta. Nagiging mahina ako habang Natututunan ko kung paano ba ang mag-isa.
kalayaan, ang akala nila ay hindi ko alam ang ibig sabihin ng kalayaan. habang ginagawa nila akong mang-mang ay unti-unti ko sila napapaniwala na hindi ko hawak ang susi palabas ng katangahan.
papalayo ngunti hindi ko pa lubusan naiiwanan ang mga sitwasyon. Gustohin ko man tumakbo ay hindi ko magawa, nandito parin ako sa lugar kung saan ako umalis. Hindi lang ako lumilingon pabalik habang unti-unti ko binibitawan ang aking pagkasabik.
paglalakbay, hanggang saan ako makakarating sa aking paglalakbay. May bago ng nakalapat sa aking mga kamay. Mahigpit ang pagkakakapit gaya ng mataimtim na panalangin. Huwag na sana ako magkamali, dahil dito na ako mahihimlay at ito na ang aking huli
"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"
Lunes, Enero 26, 2015
Huwebes, Enero 22, 2015
" Sa Mundo Ng Iba"
Pakiusap sa aking mga kahinaan, sa aking mga pagkakamali, pakiramdam na unti-unti nanaman ako nawawala. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi parin ako nakalalayo. Sumisikip ang dibdib habang nakakayanan akong tiisin, Ang pag-aakalang natutunan ko na ang lahat ay hindi pa pala. Ngunit bakit pakiramdam ko ay dito na ako nanggaling.
Kakaiba, hindi ko gusto ang araw na ito. Nababawasan ang iniipong ngiti at bumibigat ang mga pakiwari. Sa ganitong pagkakataon ko naiintindihan na wala akong silbi, parang ganun, parang ganito. Bakit ba kahit anong angulo ko ipakita sa iba ay hinding-hindi parin talaga nila ako maintindihan. Baka nga sumpa oh baka nga malas lang talaga ako sa mundo ng iba.

Miyerkules, Enero 21, 2015
"Pangalan Nalang Ang Meron Ako"
Dito ako nanggaling, at sa mga naunang paglalakbay ko noon dito ako nagsimula mangarap. Naging payak ang lahat at naging totoo sa aking sarili. Kahit gaano kahirap at kahit gaano kataas ay sinubukan kong tahakin ang daan. Isang paglalakbay na di ko inaasahan na magiging selda ng aking kasalukuyan. Bumabagal na ang lahat, dumidilim na rin ang paligid.
May mga pagsubok narin ang dumaan ngunit kakaiba ang isang ito. Kusang dumadating at nagbibigay lumbay sa bawat araw na dumaraan. Hindi na ako masaya, hindi ko narin naiintindihan. Sinubukan ko humakbang sa ibang pamamaraan ngunit ganun parin ang ihip ng hangin kung saan man ito nagmula.
May mga ala-ala na bumabalik, kung saan ipinipinta nito sa harap ko kung paano ako nagsimula. Ibinabalik ang mga imahe ng aking kabataan kung paano ba ako naging masaya. Doon sa noon nalang ang lahat, doon ko nalang lahat nakikita na ako ay masaya. Sumisikip na ang daan at nasasakal na ang aking pagkatao. Ang sumbat na di ko na kayang dalhin dahil ito ang pinamumukha sa akin kung bakit hindi parin ako nagtatagumpay.
Ngayon ko naunawaan na nagiging mahalaga lang pala ako dahil may mga bagay akong nagagawa na kailangan ng iba. Pag-aakala na ako ang liwanag sa bawat araw na dumaraan ngunit hindi pala. Pag-aakala na ako ay minamahal ngunit pagkaawa pala.
Naging mahina ako hanggang sa huli. Naging bulaang manglalakbay sa akala ko'y daan ngunit selda pala. Ubos na ang aking pagkakakilanlan sa aking sarili. Pangalan nalang ang meron ako at pangarap parin lahat ng ginugusto ko.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)