Maingat parin ang kanyang mga galaw, ang kanyang mga luha ay hindi parin tumatahan. Habang pinagmamasdan nya ang mga nakaukit sa kanyang kinalalagyan. Doon nya naunawaan na ang lamesa na kanyang kinauupuan ay ang puno na matagal na niyang kinasasabikan. Ang pakiramdam na hindi nya maipinta, mga tanong na hindi na nya maidikta. Habang tuloy parin ang agos ng kanyang mga luha ay ganoon din ang paghimas niya sa mga salitang nakaukit para sa kaniya. Mahal din kita ang wari ng teddy bear, habang unti-unti nitong tinatanggap na wala na ang puno na matagal nyang pinagmasdan. Ipinikit ang mga mata habang inilalabas ang sikip ng dibdib, ang bawat luha na hindi nya lubos maisip na magiging tinik.
Ang kaibigang puno na pilit niyang ibinabalik sa kanyang mga ala-ala. Ang mga luntiang dahon at pagaspas ng mga sanga. Mga huni ng ibon sa kanilang pagkakasilong sa tag-araw. Mga dahon sa mapagmahal na hanggin habang naliligo sa ulan. Mga ngiti ng mga tao habang siya ang kasama. Dito niya sya nakilala, dito niya sya minahal. Mga bagay na hindi nya hiningi ngunit kusang ibinigay ng may pagmamahal. Umupo sya saglit at tumanaw sa bintana, tulala sa kagandahan ng lawa. Mga ilang minuto pa at dahan dahan narin niya natatangap ang lahat. Lumuha ng kaunti ngunit napapangiti ng saglit. Maganda ang lawa at mga talampas , kay ganda pagmasdan ang mga paru-paru na naglalaro sa mga damong humahampas. Dito siya naging masaya, dito sya nakuntento. Wala siyang hiningi na kahit na ano dahil dito. Ngunit sa isang yugto ng kanya buhay, bakit pakiramdam nya na parang may kulang, kahit alam nya noon na ito rin ang kumempleto sa kanya nang mahabang panahon, ang lawa.
Teddy Bear
"Hindi ako umawit ng mahabang panahon, wala ako pinangarap kundi pagmasdan lang ang lawa at ang kanyang mga alon. Ang mundo na aking isinabuhay ay akin rin pinagmasdan kaya dito ko nabuo lahat ng aking kailangan. Hindi ako nasanay , hindi ako nawala, ngunit sa iyong pagdating bigla ako sumaya. Dito ko naunawaan, iba pala ang tuwa tuwing naaalala na nasa akin ka na pala."
Tahimik parin ang paligid, mga ilang oras narin ang lumipas. Pagmamasid sa kung ano nalang ang natira sa kanya. Unti-unti nyang tinanggap na ito nalang din ang dahilan at kailangan narin nyang bitawan. Wala ng mababago ngunit mayroon pang mapagyayaman, wala ng maibabalik ngunit mayroon parin dahilan upang mabuhay. Pasasalamat sa nakaraan, pagpapahalaga sa ala-alang yaman, pagmamahal sa minamahal, pagtangap sa pagkawala at paalam.
Dumating na muli ang tag-ulan, hindi katulad ng dati sa pagmanasid lang nauubos ang magdamag, ngayon ay nakahiga na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ukit sa kahoy ng kaibigang puno. Kukuha ng libro at magsasanaysay ng mga kwento. Matatawa at tatahimik hanggang mapagod sa maghapon at makakatulog muli. Lamig ng hanggin ng tag-ulan ay kanyang ramdam. Mga bawat pagpatak na nagbibigay ala-ala sa nakaraan. Sa kanyang paghimbing ay may paniniwala na bukas ay bago muli ang bawat umaga.
Sa gitna ng kanyang pagkakahimbing nagising siya sa ingay ng mga tawanan, nakasindi ang mga ilaw at may mga tao sa loob ng bahay. Hindi kalayuan sa kwarto kung saan sya naka tahan ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang mga masasayang bata. Lundagan sila ng lundagan sa kama habang hindi maipinta ang mga ngiti at tawanan. hindi nya rin lubos maisip kung panaginip lang ba ang kanyang nakikita. Matagal tagal narin siyang iniwan ng kanyang kalarong tao mula pa noong pagkabata. Sa pagmamasid habang nakatanaw napansin niya na may pumasok na lalaki. Bigla ito nag wari ng " Mga anak ingatan ninyo ang mga gamit ni papa ha, lalong lalo na yung teddy bear na yun." Tumingin sabay sabay ang mga chikiting sa teddy bear at laking gulat ng teddy bear na naalala parin pala sya ng dating bata na una nyang nakilala. Nagtakbuhan ang mga chikiting at pilit na inaabot ang laruang teddy bear. Tuwang tuwa ang teddy bear, hindi nya lubos akalain na darating ulit sa kanya ang ganitong yugto sa kanyang panahon. Ang pag aakala na lipas na ang kanyang oras sa piling ng mga bata ay hindi papala. Tawanan ng tawanan, halos magdamag na paglalaro at kulitan. Bumalik na muli ang sigla at panahon ng lumang teddy bear. Ito yung dati panahon ng kamusmusan.
Nagdaan ang mga araw napatingin muli ang teddy bear sa labas ng bintana. Nakangiti at masaya sa mga oras na dumaraan. Ngunit ito ang kanyang nakaraan. Nakaraan na muling nagbalik, sa hindi inaasahan. Muli nya ito nahagkan at ikinagalak.Sa pagtanaw sa kalayuan may isang ngiti siya na hindi niya maiwasan, ngiti na may halong kaunting lungkot at mga hiling at panalangin sa may kapal. Kung nandito lang sana ang kanyang kaibigang puno siguro ay masmasaya ang lahat kesa noon. Napatulala, ngunit hindi na malungkot, pagkasabik na sana ang noon ay maidala nya sa ngayon. Ganoon nya pinangarap ang lahat. Ang mga bagay na nawala sa kanya sa nakaraan at ang mga bagay na bumalik muli sa kanyang piling ay pinangarap nya na sana ay maging isa nalang..
Dumaan ang tagsibol, panahon ng pamumulaklak at pamumukadkad ng mga bulaklak. Na aaninag nya ang putol na katawan ng puno sa damuhan. Laking gulat ng teddy bear sa nakita. Mga tangkay na lumalago sa paligid nito na may mga luntiang dahon na nakakapit sa malilit na sanga. Napangiti at natuwa sa nakita. Ang kaibigan niyang puno ay muling sumisibol sa masaganang lupa ng kapatagan. Ang tuwa ng teddy bear ay di mapantayan ng saya. Pagpapasalamat sa mga panalangin at paghiling sa may kapal ay kanyang inulit. Dahil sa pagdating ng panahon ay muli niyang makikita ang puno na minsan pa niya naging kaibigan at kanlungan.
"Salamat sa iyo, salamat sa pagmamahal, Wala na ako mahihiling pa sa iyong pagbabalik aking kaibigan."
-Teddy Bear- q'•'p
1 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento