Hindi tayo pare-pareho ng pinaghuhugutan ng lakas, wala tayong hangin na kung tawagin nila ay kayabangan. Mas gugustuhin pa nating madagdagan ang ating kaalaman kaysa magpangap na maraming alam. Ang mga oras na ginugol natin ay hindi ganoon kadali, sakripisyo para sa mga mahal sa buhay at mga kapatid habang ang iba naman ay pilit ikinukumpara ang sarili sa ating kakayanan. Sanay na tayo batuhin ng mga batikos kaya nga tayo lumalakas pag nandyan ang mga taong walang magawa kundi pumuna imbes na gumawa at kumilos na naaayon sa kanyang uniporme.
Sa mga paraan na naiiba tayo sa karamihan hindi natin ginamit ito upang makapanglamang sa kapwa. Sino ba ang lumalamang? sino ba ang nagmamataas? hindi natin masasagot yan, kung baga sa bato kung sinong tamaan ay siyang masasaktan at kung saan ang masakit ay pilit itinatago at nagkukunwaring hindi tinatamaan. Bato ng isang masakit na katotohanan, matatalim na mga salitang di kayang maiwasan. Inilalagay ang sarili sa nababasang kataga kaya tuloy ang bato-bato sa langit lahat ay nasasalo at ramdam ang pukol ng isang mabigat na katotohanan.
Dahil ang bawat talata at kuwento ng isang pagkatao ay unti-unting
nilalapat sa pahina ng ating buklod na libro sa pangkalahatang bintana
tungkol sa mga pinagdaanan nang iilan sa atin. Ang bawat kuwento ay
walang pangtukoy na kung sino at kailan, ngunit ang mga aral ay
kabuluhan ng ating pagkakakilanlan. Tayo, ikaw at ako, basag na pagkatao yan ang iniiwasan ng ilan sa atin ngunit ang ating panimula ay simbulo lamang ng pagpapatunay na"Hindi lahat ng panahon ay mabubuhay tayo sa mga kuro-kuro dahil ang pag-iisip ng mga tama sa mali ay laging idinidikit sa salitang prinsipyo."
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento