"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"

Martes, Pebrero 26, 2013

"Bagong Umaga"

Hindi man natin kilala ang bukas ngunit alam ko na kahit papaano ay naging interesado din tayo sa mga bulong nito sa atin.

Kung saan ang mga dinadaanan ng ating mga desisyon ay galing din naman sa sarili nating pagpapasya. Hindi mo maaring hilain ang mga magagandang bagay at dalhin ito sa gusto mong puntahan. Hayaan na natin sila doon sa lugar kung saan sila naaayon. Bagkus gamitin natin ang kanilang mga magagandang aral sa bagong kalinangan sa mga  bagong umaga na darating.