"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"

Martes, Mayo 29, 2012

“Saan?”

Kung minsan naiisip ko kung naging parte ba ako ng mundo nila?.. Kung saan ang pag-aakala  na isa ako sa kanila ay unti-unting nawawala.  Ang gusto ko lang naman ay maging masaya rin kasama sila ngunit bakit may pagkukunwari akong naririnig na sinasabi ng iba? Ibinigay ko naman ang aking respeto sa alam kong tama. Inilabas ang mukha ng aking pagkatao at naging totoo sa likod ng mga ngiti at halak-hak habang kasama sila. Hindi na tayo bumabata pero bakit sa kung kailan naging kuntento na ako sa samahang binuo ng iilan eh doon ko pa naramdaman na may mga taong unti-unti na sa akin ay gumagawa ng panghuhusga pangtukoy sa mga bagay na hindi ko naman ginawa.

Madali naman ako kausapin, bakit hindi nalang ako lapitan at tanungin kung bakit naging ganito at kung bakit naging papaano?

Hindi ko na sila maintindihan at kung minsan pa nga ay pinagmamasdan ko nalang sila at tinatanong ang mga katagang…..

Mahirap ba ako maging kaibigan?

Oh nasobrahan lang ako sa pagpapakatotoo sa mga taong hindi ko naman ganoon kakilala?

Saan ba ako pinagbawalan na sinuway ko?

Saang parte ba ng aking pagsasalita ang hindi nila nagustuhan ?

Saan ba sa pagkatao ko ang hindi nila maintindihan? …

“Kung kasalanan ang maging kaibigan mo,  tatangapin ko ang pagkakamali dahil buo parin ang tiwala ko sa inyo.“