Kung minsan naiisip ko kung naging parte ba ako ng mundo
nila?.. Kung saan ang pag-aakala na isa
ako sa kanila ay unti-unting nawawala.
Ang gusto ko lang naman ay maging masaya rin kasama sila ngunit bakit
may pagkukunwari akong naririnig na sinasabi ng iba? Ibinigay ko naman ang
aking respeto sa alam kong tama. Inilabas ang mukha ng aking pagkatao at naging
totoo sa likod ng mga ngiti at halak-hak habang kasama sila. Hindi na tayo
bumabata pero bakit sa kung kailan naging kuntento na ako sa samahang binuo ng
iilan eh doon ko pa naramdaman na may mga taong unti-unti na sa akin ay
gumagawa ng panghuhusga pangtukoy sa mga bagay na hindi ko naman ginawa.

Madali naman ako kausapin, bakit hindi nalang ako lapitan at
tanungin kung bakit naging ganito at kung bakit naging papaano?
Hindi ko na sila maintindihan at kung minsan pa nga ay pinagmamasdan
ko nalang sila at tinatanong ang mga katagang…..
Mahirap ba ako maging kaibigan?
Oh nasobrahan lang ako sa pagpapakatotoo sa mga taong hindi
ko naman ganoon kakilala?
Saan ba ako pinagbawalan na sinuway ko?
Saang parte ba ng aking pagsasalita ang hindi nila
nagustuhan ?
Saan ba sa pagkatao ko ang hindi nila maintindihan? …
“Kung kasalanan ang maging kaibigan mo, tatangapin ko ang pagkakamali dahil buo parin
ang tiwala ko sa inyo.“