
Ang hindi pagkilala sa aking kakayahan at ang tanging tama ay ang mga mali na aking ginagawa. Naiipon ang pagkasabik sa bintana ng buhay hanggang punoin nito ang aking mga kamay ng mga kagalingan. Hawak ko naman sana ang tagumpay ngunit ang pagbigkis na hindi maiangat ay patuloy sa akin ay nakakapit.
Ang kagustuhang makawala sa paraisong lugmok sa kawalan ng pagkakakilanlan ay pilit kong binubura. Hindi na ako magtataka kung ililipat ko ang aking mga pahina hanggang sa wakas ng aking tinatamasang hininga. Hindi na ako nakapag-isip, naramdaman ko nalang bigla na hindi na ako kasama. Mapurok na panguunawa , sana noon pa.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento