Mahal kong si kayo,
Noong una hindi ko inakala na magiging ganito ang lahat, mga inaasahang pagkakataon na hindi ko narin nakita sa mga bagay na gusto ko maging ganito sa kanila. Mahirap umasa sa mga bagay na alam mong hindi na magiging maayos dahil sa mga taong mapagmalabis at mapagmataas. Kung uulitin lang sana ng panahon ang lahat, sana ay naipaliwanag ko ng mabuti na hindi dapat ganito dahil mawawala ang totoong mundo ng pagkakaisa.
Sumpit ng tubig gaya ng ulan , buhangin na mula sa batong hinagis sa kalangitan, maikukumpara mo pa ba ang sakit at hapdi ng pagbagsak nila sa mga palad na nagaasam ng masmalaki at masmasaganang bukas?
saan ba nanggagaling ang pangarap na upos lang ang may gawa? Unti-unting inuubos ng matatalim na hanggin na hindi na kayang mabura. Labag man sa kalooban ang paglisan ng isang buong pagkakaisa alam ko na pinipilit parin ng bawat isa na maging bugkos muli ang nasirang bagwis na gagamitin sana sa pag palaot ng mga pangarap.
Hindi na tayo ang noon alam nyo yan, alam ko ramdam nyo narin na ibang-iba na ang mundo natin ngayon. Nagkikibit balikat nalang dahil sa mga naririnig na kawikaan na sa ibang mundo ka na pala nagmula.
"Ang paghahangad ng pagbabago ay nagmumula sa pagkakamali bago natin malaman na hindi ito ang tamang sandali"
Kung aapak ka sa putik hayaan mong mabasa ka ng tubig at kung mabibilad ka sa araw hayaan mong madaanan ka ng mga ulap sa pagsilong na bahag. Ang pag-iipon ng mga dahon imbes na ang bunga sa punong kinagisnan ay hindi nakakatuwa at ang pagbibilang ng ibon sa pugad na puro itlog ay sobrang nakakabura ng respeto sa kakayahan ng iba. Huwag mo subukan ipagpalit ang langit sa lupa kung ang pangarap mo lang naman ay maiba. Wala namang may kasalanan, bakit kasi hindi kayang apakan ang patag upang maayos na ang lahat.
Bukas sa paglipad ng aking liham asahan nyong matatagalan sa pagbaybay ng himpapawid sa labas ng bintanang pangkalahatan. Kung kailanman ito makakarating sa kanila ay hindi ko alam at dahil nga isa ako sa mga umaasa ng pagkakabuklod-buklod muli ng bawat isa alam ko na makakarating din ito sa puso ng bawat isang nangangarap ng pagbabago na may pagmamahalan.
Nagmamahal,
si Ako.....
"Bakit hindi mo isulat?, Bigyan mo sila ng bintana ng buhay kung saan mauunawaan nila ang kahalagahan ng kahapon sa pamamaraang paggamit ng totoong kuwento at tunay na pagpapahalaga"
Biyernes, Enero 27, 2012
Huwebes, Enero 5, 2012
"Oo Masaya Ako Pero Sila Hindi Pa"
Simple lang naman ang buhay ko, maaring masasabi ko na wala naman akong problema sa pera, sapat lang upang maging simple ang buhay na tinatamasa ko ngayon.
May mga taong hindi mo makikita sa panlabas na kaanuyan ang estado sa buhay, hindi mo makikita ang ugali ng tao sa pagtatanong lamang ng kanyang pangalan.May mga taong nagsasakripisyo kahit kapalit pa nito ay kanyang buhay para lamang matapos ang piniling propesyon para sa kanyang piniling grupo at paglingkuran ng buong puso. Ang pagnanais na mapagmalaki sila ng mga nasa itaas at mabigyan nila ng kasiyahan at balang araw ay sabihin ang mga katangang ,
"Nandito na po kami upang maglingkod sa inyo, buong puso at buong katapatan."
Nakalulungkot isipin na ang mga bulong ay hanaing na may puot at pagkadismaya, mga pakiwaring,
"Kasama nila kami bakit parang kami pa ang kaaway?"
"Sila nga!" (pakiwari ng sundalo)
"Silang nasa itaas, sana naging masaya sila"(Napayuko nalang siya at nagbigkas)
"Hindi kami mauubos sa gera ngunit ang iba sa amin ay mawawala dahil sa bulok na sistema.Sistemang hindi naman dapat,Sistemang wala namang kahihinatnan kundi galit at pagbaba ng moral."
Tumingin sa akin ang sundalong puno ng puot at lungkot at sinabi nya sa akin,
"Nung natapos ako ng pag-aaral niyakap ako ng aking ama at ina, naging masaya ang aking mga kaibigan at naging proud ang aking mga kapatid, pero dito ay iba.. ibang -iba ang idolohiya, nang natapos ako sa pag-aaral nagalit sa akin ang aking mga kapatid, Hindi kami napansin ng aming mga magulang at ni isa walang tumangap sa akin na maging isang kaibigan."
"Sila pa naman ang pinangarap namin maging kami para bukas."
Ang sundalong nakausap ko na hindi ko manlang natanong ang kanyang pangalan ngunit nakita ko ang lahat ng kanyang pakiwari na sana marinig sya kahit walang bibig. Tumayo at umalis sa pagkakaupo at bago pa sya makalayo pilit kong inihabol ang tanong na
"Masaya ka ba?" ...
Napahinto sya at lumingon sa akin , malungkot man ang kanyang mga mata ay mayroon parin konting ngiti sa labi habang sinasabi ang mga katagang.
"Oo, masaya ako, pero sila hindi pa".
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)