Kung saan ko nakita ang mga upuan, ang mga lamesa, ang sahig at ang dingding na naging saksi mula pa noong una ay hindi parin nawawala. Gusto ko maulit, gusto ko umiyak, hanggang nandito ang sakit alam kong mahirap. Ngunit hanggang alam ko na magiging mapanatag sya sa piling ng mga anghel ay pilit kong tinatangap na laging bago ang bukas kahit wala na sya.
Ang ala-ala ng iyong mga ngiti ay paulit-ulit na nagbibigay sa amin ng pangungulila. Kung saan ang reyalidad ng buhay ay hindi namin matangap, hindi pa ngayon, hindi bukas at lalong-lalo ng hindi ko alam kung kailan. Hindi man nila sabihin kasama ng aking mga kapatid at magulang, alam kong wala pang nakakatangap. Ang mga pakiwari na sana ay nandito ka parin sa aming piling, sana ay marinig muli namin ang iyong mga tawa.
Kung minsan ay bumabalik lahat ang mga gunita sa nakaraan at sa isang iglap lang ay sobrang sakit sa dibdib. Halo-halong emosyon at mga tanong na bakit? at nasaan kana? Mga tanong na hindi namin maibato kanino man kundi sa kanya. At kahit gaano man namin gawan ng dahilan ang kanyang paglisan ay ni minsan ay hindi na namin hinintay ang sagot. Ang mahagkan lang namin sya muli kahit sana sa huling pagkakataon, kahit sana sa huling sandali, ang agam-agam na bakit biglaan pa, bakit ngayon pa. Habang luha nalang ang natitira sa amin at hindi na kami gaano nakakapag-isip, habang naririnig ang mga boses sa aming isipan na paulit-ulit binibigkas ang kanyang pangalan. Habang pinapaliwanag ng aming kalooban na makakaya namin to,..... makakaya namin to.
Gaya parin ng dati, gaya ng kanyang mga ngiti, gaya ng kanyang mga ala-ala. Ni minsan ay hindi sya nagbago sa amin. Ganun parin ang kanyang prinsipyo sa buhay, ganun parin ang kanyang pagmamahal sa amin tulad ng dati...... gaya ng dati.
Salamat lola .. Salamat....
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento